Showing posts with label Entertainment. Show all posts
Showing posts with label Entertainment. Show all posts

Sunday, September 18, 2022

Cristy Fermin kay Herlene Budol: Walang utang na loob, Madaling lumaki ang ulo ng batang ito

6:51 PM


NAGSALITA si Cristy Fermin patungkol sa kumakalat na isyu na may kinalaman sa sexy comedienne turned beauty queen na si Herlene Budol.

Kumakalat kasi ngayon ang balitang tila wala raw utang na loob ang dalaga sa taong unang nakadiskubre at nagbigay ng pagkakataon sa kanya na si Willie Revillame.

Napag-usapan nga ito nina ‘Nay Cristy sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Morly Alinio.

Kwento ng kolumnista, nakipag-meeting pala ang dalaga kay Willie Revillame para sa pagsali sa AMBS Network o ALLTV ngunit kinabukasan raw ay nakita na lamang sa social media na pumirma na raw ito sa GMA Network.



Ani ‘Nay Cristy, sana raw ay nagpaalam na lamang ito nang maayos sa unang naka-discover sa kanya patungkol sa mga offer ng Kapuso network sa kanya lalo na’t maiintindihan naman daw ito ni Willie at hindi ‘yung mababalitaan na lang na pumirma na ito ng kontrata sa ibang network:

Ayon sa kolumnista, maaari raw bumaba ang imahe ni Herlene lalo pa’t nasabihan na agad siyang walang utang na loob.

“Hindi niya siguro alam dito sa Philippine showbiz na ‘pag ikaw ay natatakan na ng kawalan ng utang na loob. Bababa at bababa ang imahe mo,” saad ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Saka hindi marunong tumanaw ng utang na loob ito.”

Nabanggit rin ni ‘Nay Cristy ang talent manager ni Hipon Girl na si Wilbert Tolentino at ang dating raw sa kanya ay isang “malakas na hangin” base sa mga napapanood niyang interviews.


Going back to Herlene, napag-usapan rin ng tatlo na may kumakalat na tsismis na mahirap na raw kausap ang dalaga at hindi raw tulad noong magsisimula pa lamang ito sa showbiz.


Sabi nga ng kasamahan ni Nanay Cristy na si Morly, “Walang sumikat na artista ang kinabitan ng pangalang ‘ingrata’ o ‘walang utang na loob’.”


Sey pa ng kolumnista, hindi pa rin naman masasabing matagumpay na ang karera ni Herlene at napapanahon lang daw na pinag-uusapan siya ngayon.


“Tsaka alam mo madaling lumaki ang ulo ng batang ito. Sa pananalita pa lamang, sa tabas ng dila, alam mong isang araw, magkakaproblema rin ang manager niya sa kanya,” sey ni Nay Cristy.


Dagdag pa niya, “May kakaiba, mayroon akong tulis na nakikita sa kanyang pagsasalita. Hindi laging nakakaaliw ang nagkokomedya na artista kung minsan we read between the lines. Kasi yung pagbasa natin sa pagitan ng kanilang mga salita, doon natin makikita kung anong klaseng tao ito.”

Saturday, September 17, 2022

"Subra ka naman " Dennis Padilla, Nag react sa isang vlog ni Karen Davilla at pinasinungalingan ang pinagsasabi ni iginiit isa siyang provider simula pagkapanganak ni Julia Barretto:

11:33 PM

 


Dennis Padilla, in one of his most recent Instagram post, asserted that he has been a provider ever since his daughter, Julia Barretto, was born.

The comedian made this assertion after Karen Davila interviewed Julia where the latter made statements about her estranged father about “needing more love from him.”

In the subsequent post of the comedian, he posted a question for Julia on what was she talking about, adding that his daughter is making him look useless. 

“Julia.... Since you were born... Ako ang provider... What are you talking about?????” Dennis wrote. 

 He then told his daughter that when she started acting in Kokey, the comedian and Julia’s mom, Marjorie Barretto, were already separated. 

“Nung mag artista ka sa kokey... Hiwalay na kmi....” the comedian wrote. 

Dennis then deplored the fact that Julia seems to make him appear useless in the eyes of many. “You make me look useless... Sobra ka naman...” he said. 

The comedian then asked Karen to interview him too so that the story wouldn’t be one-sided. 

“Karen... You need to interview me para klaro.... @iamkarendavila... You better interview ME... para di one sided.... Wag ganun!!! @iamkarendavila,” Dennis wrote.

The award-winning journo has since replied to the post of Dennis, saying that she already sent him a private message. 

Fans, Nagulat sa No-Makeup Transformation ni Jennylyn Mercado

1:36 AM

Celebrities are always in the public's eye. Wherever they go, they are followed with cameras everywhere which create immense pressure to always look, but not necessarily feel, their best. Because of this, you rarely see other stars reveal their natural, no-makeup face in public. But Jennylyn Mercado is not just another celebrity.

No doubt, Jennylyn Mercado is one of the prettiest faces in the showbiz industry. Her fans have witnessed Jen bloom from a girl-next-door to a mature woman. Now, at 32 years old and a mother of one, Jennylyn is still as beautiful as ever!



Just recently, the Kapuso actress decided to show her bare face in a collaboration with Preview magazine. In an episode of 'Barefaced Beauty,' the 32-year-old actress proudly flaunted her bare face in front of the camera. As Jen warned, her face is truly different without makeup.

"Magugulat kayo iba yung itsura ko pag walang make-up."



As you may well know, Jennylyn is currently working on the remake of the hit Korean series "Descendants of the Sun." Because of their endless shooting, Jen is always wearing makeup almost 24/7, so taking them off is really a huge relief.

According to Jen, in order to maintain her youthful glow, she only uses organic skincare products on her face. She doesn't like using harsh chemicals, as they react strongly against her sensitive skin. In the video, she used coconut oil to remove her heavy makeup.


As expected, Jen looked as if she's years younger without heavy makeup on. Indeed, one can only wish to achieve her glass-like skin, which is also the product of years of carefully-prepped skincare regime.

Watch her bare-faced beauty challenge below:


Would you also like to know more about Jennylyn Mercado's skincare secrets? We'd love to hear from you, so don't hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Friday, August 5, 2022

Nanay na iniwan ang anak sa abandonadong baha, hindi inaasahan ang naging ganti sa kaniya

5:44 AM
Nanay na iniwan ang anak sa abandonadong baha, hindi inaasahan ang
naging ganti sa kaniya
Tahimik na naglalakad ang binatang si Christian habang pauwi ito mula sa eskwelahan. Araw-araw itong naglalakad papasok at pauwi dahil malapit lang ang kanilang tahanan sa kaniyang eskwelahan.
Isang direksyon lang ang kaniyang tinatahak araw-araw ngunit napagpasyahan nito na sa iba dumaan dahil sasadyain niya ang kaniyang kaklase na ilang araw nang hindi pumapasok. Bago lumiko si Christian sa kalsada kung saan nakatira ang kaniyang kaklase ay nadaanan ng binata ang isang bahay kung saan maririnig ang iyak ng isang sanggol. Saglit na huminto si Christian para tingnan ang kabuuan ng bahay.
Mapusyaw na ang kulay dilaw na pintura ng dingding nito at tila ba nilulumot na ang ibang bahagi. Mapapansin din na may sira na ang pinto. Nagtataka ang binata dahil tila ba abandonado na ang nasabing bahay ngunit may tao sa loob nito.
Hindi maiwasang mag alala ng binata kaya’t minabuti nito na magtanong sa mga residente sa nasabing lugar at napag alaman ni Christian na ultimo ang mga residente ay walang nakikitang lumalabas at pumapasok sa nasabing bahay at ni minsan ay hindi nila nakitang bukas ang mga ilaw nito tuwing gabi.
Kinumbinsi ni Christian ang mga residente na tumawag na ng pulis nang sa gayon ay makumpirma nila ang suspetsa na may inabandonang bata sa bahay na siya naman nilang sinang ayunan. Mabilis na umaksyon ang kapulisan at agad na dumating sa nasabing lugar.
Wala silang sinayang na oras at agad na sinira ang pinto ng bahay. Sumalubong sa kanila ang isang madilim at maruming bahay at mas umalingawngaw sa kanilang pandinig ang iyak ng isang bata kaya’t agad na iginala ng isang pulis ang hawak nitong flashlight kung saan natagpuan nila ang nasabing bata sa may kasulok-sulukan ng bahay. Kulot ang buhok nito at may mapupungay na mga mata.
Naglalakad sa hallway ng ospital si Letty Sabroso nang makarinig ito ng isang mahinang iyak ng bata. Bibisitahin ni Letty ang kaniyang bunsong anak na naka confine sa ospital. Nadaanan ni Letty ang tapat ng isang bukas na kwarto kung saan naroon ang umiiyak na bata. Wala sa kaniyang ulirat ay pumasok si Letty sa kwarto ni Lisa.
Agad na huminto sa pag-iyak si Lisa nang makita nito si Letty. Isang nakakatuwang tawa ang binitawan ni Lisa na siyang nagpainit sa puso ni Letty. “Lisa ang pangalan niya.” Bungad ng isang babae kay Letty. “Natagpuan siya sa isang abandonadong bahay.” Dagdag pa nito. Agad na napatingin si Letty sa babae at base sa suot nito, mukhang taga Social Services siya.
Naikwento ni Letty sa kaniyang asawa ang tungkol kay Lisa. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng asawa ni Letty sa kaniya “Bakit hindi na lang natin ampunin si Lisa?” Seryosong tanong ng asawa ni Letty. Bakas sa itsura nito na nais niyang maibsan ang lungkot ng asawa. “Seryoso ka ba?” Tanong ni Letty. May dalawang anak na ito kaya’t hindi na niya naisipan pa ang mag-ampon ngunit nabago ito nang makilala niya si Lisa.
Nang maisaayos na ang adoption paper nito ay ganoon na lamang ang tuwa ng mag-asawa. Hindi naging madali ang pag-aadjust ni Lisa sa bago niyang pamilya.
Lahat ay ginawa ng mag-asawa para kay Lisa at nag bunga naman ito.
Kahit nakararanas si Lisa ng panunukso ay hindi naman pinaramdam ng kaniyang pamilya na siya ay naiiba. Suportado siya nila Letty sa lahat ng mga bagay kahit alam ni Lisa na hindi siya tunay na anak nito.

Wednesday, August 3, 2022

Silipin ang nakakakilig na engagement proposal kay Alodia Gosiengfiao ng non showbiz bf Christopher Quimbo

9:42 PM
Silipin ang nakakakilig na engagement proposal kay Alodia Gosiengfiao
ng non showbiz bf Christopher Quimbo

Ang pag-ibig nga naman, talagang hindi masusukat sa tagal o layo, dahil kapag mahal mo, ay mahal mo talagang tunay!

Katulad na lamang ng nangyari sa entrepreneur at sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao matapos niyang masayang ibahagi sa publiko ang kaniyang engagement sa non showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo.

Sa Youtuve account ng CEO ng Tier One, ipinasilip ni Alodia kung paano nag propose sa kaniya ang kaniyang fiancee

Pagbabahagi niya, sa winery nila Christopher nangyari ang special event.

“Naging suspicious na ako kasi bakit ang daming flowers. Okay, maganda itong pang-Instagram and what-not.

“And then nagkaroon na ng candles and a little parang set-up na doon sa middle. Ah, okay, parang there’s something happening.”

Hindi kalaunan ay lumuhod na rin si Christopher kung saan itinanong na niya sa dalaga, “Will you marry me?”

“Of course!” ang masayang-masayang sagot ni Alodia.

Sa isang banda ng video, nagbahagi si Christopher ng kaniyang excitement sa bagong chapter ng kanilang relationship.

“We went back and played piano. I sang for her. I knew at that point this would happen. Now, she’s my fiancee.”

Matatandaang na bandang December last year, 2021, ay kinumpirma ni Alodia ang hiwalayan nila ng noo’y long term boyfriend na si Wil Dasovich. Sa kabila ng iba’t ibang sumulpot na isyu ay hindi nila ibinahagi sa publiko ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Limang buwan matapos ang kanilang break up, ibinahagi ni Alodia sa publiko na magkasintahan na sila ni Christopher.

Sa pagpapatuloy ni Christopher, sinabi niyang aalagaan niya si Alodia, dahil walang hanggan ang paghanga niya rito hindi lamang bilang partner, kung hindi bilang tao.

“She’s a phenomenal person. So a wonderfully deep person, an entrepreneur, and on top of all that, she’s beautiful.”

Pangako niya, “I’ll be good to her. I’ll be her biggest fan. I’ll treasure her.”