Showing posts with label Entertainment. Show all posts
Showing posts with label Entertainment. Show all posts

Sunday, September 18, 2022

Cristy Fermin kay Herlene Budol: Walang utang na loob, Madaling lumaki ang ulo ng batang ito

6:51 PM


NAGSALITA si Cristy Fermin patungkol sa kumakalat na isyu na may kinalaman sa sexy comedienne turned beauty queen na si Herlene Budol.

Kumakalat kasi ngayon ang balitang tila wala raw utang na loob ang dalaga sa taong unang nakadiskubre at nagbigay ng pagkakataon sa kanya na si Willie Revillame.

Napag-usapan nga ito nina ‘Nay Cristy sa kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na” kung saan kasama niya sina Romel Chika at Morly Alinio.

Kwento ng kolumnista, nakipag-meeting pala ang dalaga kay Willie Revillame para sa pagsali sa AMBS Network o ALLTV ngunit kinabukasan raw ay nakita na lamang sa social media na pumirma na raw ito sa GMA Network.



Ani ‘Nay Cristy, sana raw ay nagpaalam na lamang ito nang maayos sa unang naka-discover sa kanya patungkol sa mga offer ng Kapuso network sa kanya lalo na’t maiintindihan naman daw ito ni Willie at hindi ‘yung mababalitaan na lang na pumirma na ito ng kontrata sa ibang network:

Ayon sa kolumnista, maaari raw bumaba ang imahe ni Herlene lalo pa’t nasabihan na agad siyang walang utang na loob.

“Hindi niya siguro alam dito sa Philippine showbiz na ‘pag ikaw ay natatakan na ng kawalan ng utang na loob. Bababa at bababa ang imahe mo,” saad ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Saka hindi marunong tumanaw ng utang na loob ito.”

Nabanggit rin ni ‘Nay Cristy ang talent manager ni Hipon Girl na si Wilbert Tolentino at ang dating raw sa kanya ay isang “malakas na hangin” base sa mga napapanood niyang interviews.


Going back to Herlene, napag-usapan rin ng tatlo na may kumakalat na tsismis na mahirap na raw kausap ang dalaga at hindi raw tulad noong magsisimula pa lamang ito sa showbiz.


Sabi nga ng kasamahan ni Nanay Cristy na si Morly, “Walang sumikat na artista ang kinabitan ng pangalang ‘ingrata’ o ‘walang utang na loob’.”


Sey pa ng kolumnista, hindi pa rin naman masasabing matagumpay na ang karera ni Herlene at napapanahon lang daw na pinag-uusapan siya ngayon.


“Tsaka alam mo madaling lumaki ang ulo ng batang ito. Sa pananalita pa lamang, sa tabas ng dila, alam mong isang araw, magkakaproblema rin ang manager niya sa kanya,” sey ni Nay Cristy.


Dagdag pa niya, “May kakaiba, mayroon akong tulis na nakikita sa kanyang pagsasalita. Hindi laging nakakaaliw ang nagkokomedya na artista kung minsan we read between the lines. Kasi yung pagbasa natin sa pagitan ng kanilang mga salita, doon natin makikita kung anong klaseng tao ito.”

Saturday, September 17, 2022

"Subra ka naman " Dennis Padilla, Nag react sa isang vlog ni Karen Davilla at pinasinungalingan ang pinagsasabi ni iginiit isa siyang provider simula pagkapanganak ni Julia Barretto:

11:33 PM

 


Dennis Padilla, in one of his most recent Instagram post, asserted that he has been a provider ever since his daughter, Julia Barretto, was born.

The comedian made this assertion after Karen Davila interviewed Julia where the latter made statements about her estranged father about “needing more love from him.”

In the subsequent post of the comedian, he posted a question for Julia on what was she talking about, adding that his daughter is making him look useless. 

“Julia.... Since you were born... Ako ang provider... What are you talking about?????” Dennis wrote. 

 He then told his daughter that when she started acting in Kokey, the comedian and Julia’s mom, Marjorie Barretto, were already separated. 

“Nung mag artista ka sa kokey... Hiwalay na kmi....” the comedian wrote. 

Dennis then deplored the fact that Julia seems to make him appear useless in the eyes of many. “You make me look useless... Sobra ka naman...” he said. 

The comedian then asked Karen to interview him too so that the story wouldn’t be one-sided. 

“Karen... You need to interview me para klaro.... @iamkarendavila... You better interview ME... para di one sided.... Wag ganun!!! @iamkarendavila,” Dennis wrote.

The award-winning journo has since replied to the post of Dennis, saying that she already sent him a private message. 

Fans, Nagulat sa No-Makeup Transformation ni Jennylyn Mercado

1:36 AM

Celebrities are always in the public's eye. Wherever they go, they are followed with cameras everywhere which create immense pressure to always look, but not necessarily feel, their best. Because of this, you rarely see other stars reveal their natural, no-makeup face in public. But Jennylyn Mercado is not just another celebrity.

No doubt, Jennylyn Mercado is one of the prettiest faces in the showbiz industry. Her fans have witnessed Jen bloom from a girl-next-door to a mature woman. Now, at 32 years old and a mother of one, Jennylyn is still as beautiful as ever!



Just recently, the Kapuso actress decided to show her bare face in a collaboration with Preview magazine. In an episode of 'Barefaced Beauty,' the 32-year-old actress proudly flaunted her bare face in front of the camera. As Jen warned, her face is truly different without makeup.

"Magugulat kayo iba yung itsura ko pag walang make-up."



As you may well know, Jennylyn is currently working on the remake of the hit Korean series "Descendants of the Sun." Because of their endless shooting, Jen is always wearing makeup almost 24/7, so taking them off is really a huge relief.

According to Jen, in order to maintain her youthful glow, she only uses organic skincare products on her face. She doesn't like using harsh chemicals, as they react strongly against her sensitive skin. In the video, she used coconut oil to remove her heavy makeup.


As expected, Jen looked as if she's years younger without heavy makeup on. Indeed, one can only wish to achieve her glass-like skin, which is also the product of years of carefully-prepped skincare regime.

Watch her bare-faced beauty challenge below:


Would you also like to know more about Jennylyn Mercado's skincare secrets? We'd love to hear from you, so don't hesitate to share your thoughts with us in the comments section below. For more updates on the latest happenings, feel free to follow us on Facebook.

Friday, August 5, 2022

Nanay na iniwan ang anak sa abandonadong baha, hindi inaasahan ang naging ganti sa kaniya

5:44 AM
Nanay na iniwan ang anak sa abandonadong baha, hindi inaasahan ang
naging ganti sa kaniya
Tahimik na naglalakad ang binatang si Christian habang pauwi ito mula sa eskwelahan. Araw-araw itong naglalakad papasok at pauwi dahil malapit lang ang kanilang tahanan sa kaniyang eskwelahan.
Isang direksyon lang ang kaniyang tinatahak araw-araw ngunit napagpasyahan nito na sa iba dumaan dahil sasadyain niya ang kaniyang kaklase na ilang araw nang hindi pumapasok. Bago lumiko si Christian sa kalsada kung saan nakatira ang kaniyang kaklase ay nadaanan ng binata ang isang bahay kung saan maririnig ang iyak ng isang sanggol. Saglit na huminto si Christian para tingnan ang kabuuan ng bahay.
Mapusyaw na ang kulay dilaw na pintura ng dingding nito at tila ba nilulumot na ang ibang bahagi. Mapapansin din na may sira na ang pinto. Nagtataka ang binata dahil tila ba abandonado na ang nasabing bahay ngunit may tao sa loob nito.
Hindi maiwasang mag alala ng binata kaya’t minabuti nito na magtanong sa mga residente sa nasabing lugar at napag alaman ni Christian na ultimo ang mga residente ay walang nakikitang lumalabas at pumapasok sa nasabing bahay at ni minsan ay hindi nila nakitang bukas ang mga ilaw nito tuwing gabi.
Kinumbinsi ni Christian ang mga residente na tumawag na ng pulis nang sa gayon ay makumpirma nila ang suspetsa na may inabandonang bata sa bahay na siya naman nilang sinang ayunan. Mabilis na umaksyon ang kapulisan at agad na dumating sa nasabing lugar.
Wala silang sinayang na oras at agad na sinira ang pinto ng bahay. Sumalubong sa kanila ang isang madilim at maruming bahay at mas umalingawngaw sa kanilang pandinig ang iyak ng isang bata kaya’t agad na iginala ng isang pulis ang hawak nitong flashlight kung saan natagpuan nila ang nasabing bata sa may kasulok-sulukan ng bahay. Kulot ang buhok nito at may mapupungay na mga mata.
Naglalakad sa hallway ng ospital si Letty Sabroso nang makarinig ito ng isang mahinang iyak ng bata. Bibisitahin ni Letty ang kaniyang bunsong anak na naka confine sa ospital. Nadaanan ni Letty ang tapat ng isang bukas na kwarto kung saan naroon ang umiiyak na bata. Wala sa kaniyang ulirat ay pumasok si Letty sa kwarto ni Lisa.
Agad na huminto sa pag-iyak si Lisa nang makita nito si Letty. Isang nakakatuwang tawa ang binitawan ni Lisa na siyang nagpainit sa puso ni Letty. “Lisa ang pangalan niya.” Bungad ng isang babae kay Letty. “Natagpuan siya sa isang abandonadong bahay.” Dagdag pa nito. Agad na napatingin si Letty sa babae at base sa suot nito, mukhang taga Social Services siya.
Naikwento ni Letty sa kaniyang asawa ang tungkol kay Lisa. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng asawa ni Letty sa kaniya “Bakit hindi na lang natin ampunin si Lisa?” Seryosong tanong ng asawa ni Letty. Bakas sa itsura nito na nais niyang maibsan ang lungkot ng asawa. “Seryoso ka ba?” Tanong ni Letty. May dalawang anak na ito kaya’t hindi na niya naisipan pa ang mag-ampon ngunit nabago ito nang makilala niya si Lisa.
Nang maisaayos na ang adoption paper nito ay ganoon na lamang ang tuwa ng mag-asawa. Hindi naging madali ang pag-aadjust ni Lisa sa bago niyang pamilya.
Lahat ay ginawa ng mag-asawa para kay Lisa at nag bunga naman ito.
Kahit nakararanas si Lisa ng panunukso ay hindi naman pinaramdam ng kaniyang pamilya na siya ay naiiba. Suportado siya nila Letty sa lahat ng mga bagay kahit alam ni Lisa na hindi siya tunay na anak nito.

Wednesday, August 3, 2022

Silipin ang nakakakilig na engagement proposal kay Alodia Gosiengfiao ng non showbiz bf Christopher Quimbo

9:42 PM
Silipin ang nakakakilig na engagement proposal kay Alodia Gosiengfiao
ng non showbiz bf Christopher Quimbo

Ang pag-ibig nga naman, talagang hindi masusukat sa tagal o layo, dahil kapag mahal mo, ay mahal mo talagang tunay!

Katulad na lamang ng nangyari sa entrepreneur at sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao matapos niyang masayang ibahagi sa publiko ang kaniyang engagement sa non showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo.

Sa Youtuve account ng CEO ng Tier One, ipinasilip ni Alodia kung paano nag propose sa kaniya ang kaniyang fiancee

Pagbabahagi niya, sa winery nila Christopher nangyari ang special event.

“Naging suspicious na ako kasi bakit ang daming flowers. Okay, maganda itong pang-Instagram and what-not.

“And then nagkaroon na ng candles and a little parang set-up na doon sa middle. Ah, okay, parang there’s something happening.”

Hindi kalaunan ay lumuhod na rin si Christopher kung saan itinanong na niya sa dalaga, “Will you marry me?”

“Of course!” ang masayang-masayang sagot ni Alodia.

Sa isang banda ng video, nagbahagi si Christopher ng kaniyang excitement sa bagong chapter ng kanilang relationship.

“We went back and played piano. I sang for her. I knew at that point this would happen. Now, she’s my fiancee.”

Matatandaang na bandang December last year, 2021, ay kinumpirma ni Alodia ang hiwalayan nila ng noo’y long term boyfriend na si Wil Dasovich. Sa kabila ng iba’t ibang sumulpot na isyu ay hindi nila ibinahagi sa publiko ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.

Limang buwan matapos ang kanilang break up, ibinahagi ni Alodia sa publiko na magkasintahan na sila ni Christopher.

Sa pagpapatuloy ni Christopher, sinabi niyang aalagaan niya si Alodia, dahil walang hanggan ang paghanga niya rito hindi lamang bilang partner, kung hindi bilang tao.

“She’s a phenomenal person. So a wonderfully deep person, an entrepreneur, and on top of all that, she’s beautiful.”

Pangako niya, “I’ll be good to her. I’ll be her biggest fan. I’ll treasure her.”

Magna cum laude, inialay ang kaniyang tagumpay sa ama na isang pedicab driver

9:04 PM
Magna cum laude, inialay ang kaniyang tagumpay sa ama na isang pedicab
driver

Totoong ang tagumpay ng anak ay tagumpay din ng mga magulang, kung kaya naman abot langit palagi ang ngiti ng ating mga ama tuwing may mga bagong bagay tayong nakakamit.

Kagaya na lamang ng istorya ng mga nagtatapos ngayong buwan, lalung lalo na ang mga cum laude!

Katulad na lamang ng istorya ni Sandra Estefani Ramos, isang magna cum laude na inialay ang kaniyang tagumpay sa ama na nagtaguyod sa kaniyang pag aaral ng napakaraming taon sa pamamagitan ng pag papadyak o pag pepedicab.

Ayon sa kaniyang post, “After so many years of hard work and sacrifices, Papa, Mama, heto na!

“’Pa, ihatod mo na po ang Magna Cum Laude mong aki gamit ang satong padyak!

“I am proud that my father is a pedicab driver.

“And indeed, he is the true magna cum laude.

“All glory be to God.”

Balak pa sanang itago ni Sandra ang magandang balita sa kaniyang mga magulang ngunit aksidenteng nalaman din nila ito noong minsang naglipana ang mga papel sa kanyang folder matapos matamaan ng malakas ng hangin ng electricfan.

Ayon sa kaniyang ina sa interview ng ABS CBN ay walang mapag sidlan ang tuwa nilang mag asawa noong nalaman nila ang sorpresa ni Sandra.

Ayon naman sa kaniyang ama, “Sabi niya gusto niya maging teacher. Sabi ko, ‘Sige kung kaya mo, sige susuportahan kita.’ Sabi ko tiis-tiisin nila para makapagtapos sila.”

Pagbabalik tanaw naman ni Sandra sa kanilang pag hihirap mag pamilya, “Lagi ko siyang niyayakap pag hinahatid niya ako sa terminal.

“Hindi ko naranasang maging pedicab driver, pero pag tinitingnan ko siya, parang nararamdaman ko yung hirap kaya lalo kong ginagawa ang best ko.”

Samantala, ay very humble din siya tungkol sa kaniyang award. “Kahit ngayon hindi ko pa po alam kung paano ko na-achieve yung ganung honor. Kahit alam ko na may mas matalino kaysa sa akin, I still do my best.

“Kahit hindi ko po alam kung paano, alam ko po kung sino yung mga tao na naging rason bakit ako naging magna cum laude.”

Batang tamad mag aral noon, natutong magsumikap at magtinda upang makapagtapos at board top notcher na ngayon!

1:11 AM
Batang tamad mag aral noon, natutong magsumikap at magtinda upang
makapagtapos at board top notcher na ngayon!

Kamakailan ay umani ng pansin ang isang board passer matapos niyang ibahagi ang kaniyang istorya sa publiko.

Siya si Jonald Traquina, nakatapag tapos ng kursong education at kalaunan at naging board top notcher.

Sa kaniyang Facebook post, binahagi niya na muntik na niyang hindi ipagpatuloy ang pag aaral dahil sa katamaran.

In fact, puro bagsak ang kaniyang grades noong elementary, at kalaunan ay huminto na rin sa pag aaral.

Matapos ang kaniyang pakiusap sa kaniyang kuya na makapag aral ulit siya ay pinag bigyan ulit sya nito, at dito siya nakapag aral ng high school.

Ngunit bandang kolehiyo ay nagkaroon ng matinding problema ang kanilang pamilya at kinailangan niyang suportahan ang sarili upang maitaguyod ang pag aaral.

“When I was studying in college, I also struggled a lot.

“Back then, I was selling cassava chips and yema spread, tutoring three children after my night class so that I could have my own money to support my studies.

“I also had to study late at night because I had grades to maintain.”

Sa kabila ng kaniyang pag hihirap ay sinikap niyang itaguyod ang kaniyang pangarap dahil alam niyang ang kaniyang diploma ang “best gift” na maari niyang ibigay sa kaniyang mga magulang.

I didn’t just graduate with multiple awards for being a student leader, but also with Latin honors.

“Those struggles which I had experienced for the past ten years just to redeem myself were not just struggles for nothing but also blessings from above.”

Noong May 2019 ay nakapag tapos si Jonald bilang isang cum laude.

Nitong January 3, 2022 naman ay kumuha siya ng Licensure Examination for Professional Teachers. At muli na naman niyang pinahanga ang mga magulang matapos siyang maging top 3, at may rating na 92.20 percent.

“Sobrang saya po ng aking pamilya, mga kababayan sa bayan ng Polillo at ng SLSU Polillo.

“Ito ang unang beses na nagkaroon ng LET topnotcher na nagmula sa aming paaralan kaya’t napakalaking biyaya ito para sa amin.

“Sulit ang dalawang taon na paghahanda at panalangin!” ani Jonald.

Dagdag pa niya, “Topping the board wasn’t easy because I had to deal with pressure and anxiety, and with people’s expectations.

“But it also made me stronger. It taught me to overcome my fears by always asking for guidance from above.”

Netizens, muling binalikan ang pang aalipusta ni Ms. Manila kay Herlene "Hipon" Budol noon, Herlene, 1st runner up sa Bb.Pilipinas

12:54 AM
Netizens, muling binalikan ang pang aalipusta ni Ms. Manila kay
Herlene "Hipon" Budol noon, Herlene, 1st runner up sa Bb.Pilipinas

Labis ang pag pupunyagi ng mga netizens sa pagka panalo ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa nakalipas na Binibining Pilipinas 2022.

Hindi kasi inaasahan na hakot awards ang magiging eksena niya, at magiging first runner up pa siya! Marami rin ang na antig sa kaniyang pang malakasang sagot sa Q&A na sinisigurado ng marami na siyang nagpapanalo sa kaniya.

Q: “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”

Itinagalog din ito ng host upang tiyak na maintindihan ng kandidata: “Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyong importante ang nangyari sa iyo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas.”

At ang sagot ni Budol: “Para sa ‘kin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan.

“Para sa ‘kin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible.

“Isa po akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

Pak na pak! Kung kaya naman hindi maiwasan ng netizens na balikan ang mga pagkakataon kung saan kinutya-kutya siya ni Ms. Manila sa isang episode ng Wowowin at tinawag siyang “squammy”

Matatandaan na minsan din itong sinabihan na hindi fit upang maging beauty queen dahil bukod sa wala itong class ay katawan lamang ang maganda dito.

Kaya naman tuloy ngayong bonggang-bongga ang success ni Herlene ay hinunting nila si Ms. Manila upang ipamukha sa kaniya na mas naging matagumpay ang komedyana kesa sa kaniya.

Kung maalala ay hindi naka abot ng finals si Ms. Manila noong Miss Universe Philippines 2021.

Proud na proud naman ang mga kapwa comedian kay Herlene, kabilang na si Vice na aminadong naiyak sa sagot ng dalaga.

“E ung naiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene!”

“O diba!!! Ika nga ni Hipon from comedy to inspiration! Chozzz!!!”

Tuesday, August 2, 2022

Paano nga ba nagsimula ang kilig lovestory ng influencer na si Whamos Cruz at Antonette Gail? Silipin dito!

6:44 PM
Paano nga ba nagsimula ang kilig lovestory ng influencer na si Whamos
Cruz at Antonette Gail? Silipin dito!

Paano nga ba nagkakilala ang isa sa mga controversial na couple ngayon na si Whamos Cruz at Antonette Gail?

Patok na patok sa netizens ngayon ang tambalang Whamos at Antonette dahil tila Beauty and the Beast ang eksena nilang dalawa!

Madalas na umaani ng komento ang dalawa dahil sa kakaibang style ng kanilang relationship, ngunit ilang beses na nilang napatunayan na palaging mas nananaig ang kanilang pagmamahalan laban sa nakaka lunod na galit at pang huhusga nila.

Isa rin sa isyu na umusbong sa simula ng kanilang pag iibigan ay ang age gap nilang dalawa.

17 lang kasi si Antonette noong nakilala niya si Whamos na noon ay 24 na.

Sa isang panayam sa dalaga, sinabi niyang nauna silang nagkakilala sa sikat na video app na Tiktok, dahil parehas silang content creator.

Doon nagsimula na mapa igi ang kanilang relasyon dahil hindi akalain ni Antonette na liligawan siya ni Whamos.

“Actually nag kakilala kami ni whamos sa TikTok. Nauwi yung isang romantic relationship namin simula nung unexpected na niligawan niya ako then ayun nag tuloy tuloy na siya.”

Hindi naman nagtagal ay nag live in na ang dalawa.

Last year lamang ay napabalita rin ang paghahabol ng mga magulang ni Antonette dahil tumakas di umano ito sa puder nila upang sumama kay Whamos.

Iginiit ng nanay ni Antonette na nag aaral pa ito at marami pang dapat tuparin sa buhay at hindi niya dapat samahan si Whamos dahil hindi magandang impluwensiya ito.

Tila nadala naman sa maayos na usapan ang mga magulang ni Antonette dahil dumalo rin sila sa 18th birthday celeration nito kasama si Whamos.

At ngayon, masayang ibinalita ng dalawa na mayroon na silang baby on the way!

Matatag pa rin ang relasyon ni Whamos at Antonette. Nitong nakaraan lamang ay ipinag tanggol pa ng dalawa ang kaniyang kasintahan dahil sa dami ng nanghuhusga sa kaanyuan nito, at idinadamay din ang kanilang paparating na anak.

Donnalyn Bartolome, abot langit ang kilig matapos yayain bigla ni JM De Guzman ng date sa kalagitnaan ng vlog, "Wala to sa script!"

1:42 AM
Donnalyn Bartolome, abot langit ang kilig matapos yayain bigla ni JM De
Guzman ng date sa kalagitnaan ng vlog, "Wala to sa script!"

Tila may newly found online ship naman ngayon ang mga netizens matapos mag collab si JM De Guzman at ang vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome sa pinaka bagong vlog ng aktor.

Sa vlog na pinamagatang “Can’t say no challenge war” ay nagpalakasan ng trip ang dalawa at talagang game na game din naman sila!

Sa unang bahagi ay nag dare si Donna na haranahin siya ni JM, at walang pag aalinlangang ginawa naman ito agad ng binata.

Aminadong kilig na kilig naman si Donna dahil ayon sa kaniya, eto umano ang unang beses niyang maharana.

Sunod naman ay si JM kung saan humiling siya na maging malambing ang vlogger sa kaniya na tila sila ay mag jowa!

Si Donna ay walang pag aatubiling sinunod ang gusto ni JM, at agad namang lumaban ng dare na mag suot ang aktor ng 3 inch heels habang naglilibot sila sa mall.

Sa kalagitnaan ng kanilang paghaharutan ay hiniling ni JM na mag baby talk si Donna. Noong una ay ayaw pa ng singer, ngunit kalaunan ay ginawa rin naman niya ito.

Bago naman matapos ay kanilang vlog ay ginulat ni JM ang vlogger matapos niyang yayain itong makipag date sa kaniya.

“Kailangan mo akong payagan na i-date ka, next time”

Bakas naman ang pagka bigla sa mukha ni Donna na agad na binuking na wala sa script ang pag aalok ng date ni JM sa kaniya.

“Sa vlog pa talaga ginawa, nakakahiya! Hindi ‘to scripted. I swear to God,”

Matapos maka get over sa pagka shock ng dalaga ay pumayag din siya sa yaya ni JM. Pag lilinaw niya, isang friendly date lang ang mangyayari. Tinanong din nila ang mga followers ni JM kung saan nila gustong makitang mag date ang dalawa.

Hindi naman nakaka gulat na sobrang positibo ng naging reaksyon ng netizens sa vlog ng dalawa. Kilig na kilig ang mga netizens at mukhang masusundan pa yata ng panibagong vlog ang collab nila!

Monday, August 1, 2022

Derek Ramsay, ipinaliwanag kung bakit nais ilipat ang lahat ng yaman sa pangalan ni Ellen Adarna

9:49 PM
Derek Ramsay, ipinaliwanag kung bakit nais ilipat ang lahat ng yaman sa
pangalan ni Ellen Adarna

Inaliw ni Ellen Adarna ang kaniyang mga fans matapos niyang ibunyag ang kwento sa likod ng kaniyang pagtawag sa asawa bilang “best in OA”.

Ibinahagi ng aktres na si Ellen na gustong ilipat sa kanya ng asawang aktor na si Derek Ramsay ang kanyang mga ari-arian nang mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon.

Ang kuwento ng pag-iibigan nina Ellen at Derek ay di maikakailang tila bukas na libro sa buong publiko. Isa nga itong whirlwind romance ngunit naging inspirasyon ng marami na ang paghahanap ng inyong “the one” ay maaaring hindi masukat sa bilis ng panahon.

After a month of knowing each other kasi ay naging sila na ni Derek, at after 4 months of relationship ay na engage na ang dalawa.

Noong nakaraang February ay nag celebrate sila ng kanilang anniversary bilang magkasintahan.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Ellen ang pinagdaanan nila ni Derek nang magpositibo sila sa COVID-19. Ito ay over her tell-all/question and answer session sa kanyang Instagram account.

Isa sa mga itinanong sa kanya ay ang tungkol sa kanilang karanasan sa pakikipaglaban sa virus, base sa artikulo sa PEP. Sinabi ni Ellen Adarna na mahinahon niyang hinarap ito ngunit iba ang naging reaksyon ng kanyang asawa.

Ani Ellen, “’Day kay ako, kalma lang talaga, but siya, best in OA, ‘I want to die,’ ganyan, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ganun siya.”

Ibang level din daw ang pagka OA ni Derek! “So sabay kami, natulog kami, nagpahinga. Limang beses niya ko ginising, just to tell me… ‘I’m dying,’ mamatay na daw siya, ililipat na daw niya ang kanyang pera at assets,”

Sinabi rin niya na ang kanyang asawa ay umabot na sa punto ng paggawa ng isang sulat-kamay na will and testament. Ibinahagi rin ng aktres na sinabi ni Derek na if ever na muli silang mag positibo sa virus, tatawag siya kaagad ng ambulansya.

Ibinahagi rin ni Ellen Adarna na mas pipiliin niyang magkaroon ng COVID-19 kaysa sa hangover. Bihira na raw siyang uminom ngayon dahil hindi na siya party girl.

Barbie Imperial, inaming hindi binabalikan ang mga exes, "Panindigan mo yan, sinayang mo ako eh"

7:24 PM
Barbie Imperial, inaming hindi binabalikan ang mga exes, "Panindigan mo
yan, sinayang mo ako eh"

Matapang na sinagot ni Barbie Imperial ang mga maanghang na questions ng netizens tungkol sa kaniya sa pinaka bago niyang vlog.

Isa na rito kung sino sa mga ex boyfriend niya ang nanakit sa kaniya?

Matatandaang may apat na ex boyfriend si Barbie sa showbiz. Si Ryle Santiago, JM De Guzman, Paul Salas at Diego Loyzaga.

Ayon sa kaniya, si Diego ang pinaka masakit na break up niya. “Wala namang anong pisikal, siguro overall damage, like nasaktan ka talaga.

“Ako, honestly, yung pinakanasaktan talaga ako, I think si Diego talaga.

“Siya yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganun.

“Tapos siya yung, alam mo yun, na pag may na-meet kang someone, minsan mo lang na-feel yung akala mo siya na talaga.

“Yung parang may mga usap-usapan na kayo, ‘Sa’n tayo titira, ilang anak?’ Yung mga ganun.”

Dito ay inamin din niya na nakapang ligaw na rin siya ng lalaki!

 

“Oo naman, dyusko! Sa first boyfriend ko, kay Ryle.”

Kuwento ni Barbie, marami umano siyang kaagaw kay Ryle noon nung miyembro pa siya ng GirlTrends, “Ako talaga yung may gusto sa kanya. Tapos, nung time na yun, iba-ibang GirlTrends pa yung may gusto sa kanya, char!

“Medyo may mga kaagaw pa akong GirlTrends nun, tapos, ayun, naipanalo ko naman.

“Ako naman yung naging jowa pero hindi pa rin kami nagkatuluyan. So, ayun.”

Tuwing binabalikan niya umano ang alaalang iyon ay natatawa na lamang siya.

Sumunod na tanong naman ay kung bumabalik ba siya sa mga ex niya?

Matapang namana ang sagot ni Barbie ukol dito.

“Ako kasi yung tao na, well, siguro depende, ako kasi parang pag breakup ko with my ex, after kami maghiwalay, usually may mga bago na silang girls.

“So, ako yung tipong, ‘If natikman mo na yung ibang babae after sa akin, bakit ka babalik sa akin? Porke’t hindi masarap yung ulam na natikman mong bago, babalik ka sa akin?’

“Parang, ‘Panindigan mo ‘yan. ‘Yan ang pinili mo, di ba? Sinayang mo ako, e.’”

Sunday, July 31, 2022

Best mother in law! Sylvia Sanchez, sweet na sweet ang post ng pag congrats kay Maine Mendoza bilang fiance ng anak, "Welcome to the family!"

10:27 PM
Best mother in law! Sylvia Sanchez, sweet na sweet ang post ng pag
congrats kay Maine Mendoza bilang fiance ng anak, "Welcome to the
family!"

Talagang hinangaan ang sweetness at pagka welcoming ng aktres na si Sylvia Sanchez matapos niyang icongratulate ang kaniyang anak na si Arjo Atayde at ang kaniyang future daughter-in-law, Maine Mendoza sa engagement nila na ginanap nitong July 28, 2022.

Sa kaniyang post, mababakas ang pagka kilig ng beteranang aktres sa nangyaring proposal at sinabing masayang-masaya siya para sa kaniyang mga anak.

Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang mga larawan ng nasabing proposal kabilang na rin ang kuha nila kung saan hinalikan niya sa noo si Maine.

“He asked Her and She said, YES!!!

“Finally!! Welcome to the family, Maine [heart emoji] Thank you for loving my son.
Love you Nak [face blowing a kiss emojis]

“I promise that I will take care and love you as my own Daughter [heart emoji]

“@arjoatayde @mainedcm #Armaine [heart emoji]

“Happy morning [woman dancing, man dancing, woman dancing emojis]”

Makikitang talagang mahal na mahal ng aktres ang Eat Bulaga star.

Dati pa lang ay full support na si Sylvia sa relasyon ng dalawa.

Sa interview niya noong 2019 ay sinabi niyang hindi rin siya nangengealam sa desisyon ni Arjo patungkol sa personal na buhay nito.

“Saka hindi ko pinapakialaman sila ni Arjo. Busy rin ako, di ba?

“So, imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko.

“Kulang na nga ako sa oras ko, sa pagiging asawa, sa pagiging nanay, pakikialaman ko pa ba yung love life ng mga anak ko? Bahala sila!”

Matatandaan ding isa si Sylvia sa laging nagpopost tungkol kay Maine sa tuwing kasama nila ito tuwing family bonding.

“Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay [smile emoji]

“Coach @mainedcm thank you [smile emoji] at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko hahaha [hearts and kissmark emojis]

“#family #happiness #blessing #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes
#thankuLORD Happy morning [smile emojis]”

Gladys Guevarra, emosyonal na ibinahagi kung paano siya iniwan ng bf at tinangay ang lahat ng kaniyang pera

8:11 AM
Gladys Guevarra, emosyonal na ibinahagi kung paano siya iniwan ng bf at
tinangay ang lahat ng kaniyang pera

Matapang na hinarap ng aktres at komedyante na si Gladys Guevarra ang lahat ng hamon sa kaniyang buhay, partikular na ang isa sa pinaka matinding pagsubok na pinagdaanan niya dalawang taon na ang nakararaan.

Noong nag pandemya ay nakaisip ang komedyante na gawing business ang kaniyang talento sa pagluluto at hindi kalaunan ay naging successful ito.

Ang kaniyang karelasyon noon na si Leon, ay in charge sa pag momonitor ng orders, ng payments, at lahat ng online transaction ng aktres dahil sa sobrang busy niya ay hindi na niya ito kayang gawin mag isa.

Ngunit noong September 2, 2020 ay mag isang humarap ang umiiyak na si Gladys sa Facebook live ng kaniyang page upang sabihin na lahat ng orders ng kanilang kakanin business ay kanselado na.

Nagkaroon umano kasi siya ng personal na problema at di umano’y tinakbo ng kaniyang fiance ang pera ng negosyo.

“Yung sinasabi kong hindi inaasahang kadahilanan ay yun aking pong partner.

“And as you guys noticed, nung mga una pong nag-o-order kayo, ang ibinibigay ko pong bank details ay BDO account ko, okay.”

Dagdag pa niya, “Ang salita po ng partner ko, ang ilalagay na lang siya sa system, at sa page is yung BDO account niya, BPI account niya, at GCash niya, sa kadahilanang wala akong BDO online.

“So, hindi ko mamu-monitor lahat ng perang papasok or lahat ng ibabayad sa orders.

“So, pumayag ako out of trust, out of good faith, dahil nga partner ko siya at karelasyon ko siya.”

Pagkatapos kasi ng alitan nila ay tuluyan na silang naghiwalay dalawa.

“Di ba, ang sakit sa loob na karelasyon mo pa?

“Well, I’m not saying itinakbo yung pera, but some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag.

“At mapapatunayan ko naman po ‘yan at mapapatunayan ng lahat ng umorder dahil lahat po ng finorward niyong payments, nakita ninyo kung kanino nakapangalan yung BDO account at yung GCash.

“Hindi sa akin. Hindi sa akin.”

Ipinakita rin niya na tinangay ang lahat ng gamit sa opisina at hindi na rin niya makontak ang dating karelasyon kaugnay sa mga dapat i settle na transactions.

Nangako si Gladys noon na maibabalik niya ang pera, at nagawa naman niya iyon.

May mensahe din siya kay Leon na noon ay nagtatago.

“Alam mo, kung mapapanood mo ‘to, Leon, hindi na masakit ang pagkawala mo, e.

“Ang masakit dun ay ilan ‘tong taong ito na tatanggalin mo ang tiwala sa akin dahil sa ginawa mo.”

Ogie Diaz, may mensahe para sa mga itinuturing na bayani ang gunman sa Ateneo shootout "Mga Lukaret!"

3:46 AM
Ogie Diaz, may mensahe para sa mga itinuturing na bayani ang gunman sa
Ateneo shootout "Mga Lukaret!"

Diretsahan namang inihayag ng reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang kaniyang pagka dismaya sa naging reaksyon ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa nangyaring pang babaril sa graduation sa Ateneo noong nakaraan lamang.

Hulyo 26, 2022 nagulantang ang buong sambayanan matapos mapag alaman na ang dapat masaya at puno ng pagdiriwang na pagtatapos sa Ateneo Law School ay napalitan ng takot at hinagpis matapos mangyari ang isang shoot out.

Ang suspek sa krimen na si Dr. Chao-Tiao Yumol ay napag alamang may personal na galit sa kaniyang biktima, former Lamitan, Basilan mayor Rose Furigay.

Bukod kay Furigay ay patay din ang dalawang kasama nito na si Victor Capistrano at Jeneven Bandiala. Samantalang ang anak naman ni Furigay na si Hannah ay sugatan at dagliang isinugod sa ospital.

Ayon sa ilan sa mga netizens, may dahilan umano ang suspek upang humantong sa pang babaril.

Ani pa nila, sangkot umano si Furigay sa illegal na droga kung kaya nagpasya si Yumol na ilagay ang hustisya sa kaniyang mga kamay.

Kung kaya naman marami pa rin sa atin ang tinuturing siyang “bayani” at ipinag darasal pa ang kaniyang kalakasang loob at katatagan!

Agad-agad namang naglabas ng pahayag ang nasa kabilang panig ng internet, kagaya na lamang ni Ogie Diaz.

Sa kaniyang Twitter account, ini retweet nito ang isang post na nagsasabing nakakabahala na tama sa paningin ng iba ang pagpatay at pag baril.

“Ung ginawang brave hero ung mamatay tao. Tapos sinabing ‘Stay strong, Doc! Baka ngayon mapansin na ng gobyerno ang ipinaglalaban mo.’

“Pag mga peaceful protest tinatawag niyong salot, tapos etong pumatay ng mga tao pinipinta niyong Bayani?

“Sira na ulo niyo.” ani ng nag post.

Sinang ayunan naman ito agad ng dating talent manager ni Liza Soberano at sinabi pang “Mga Lukaret” ang mga taong sumusuporta kay Yumol.

Saturday, July 30, 2022

Ogie Diaz, nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareno kaya nagmamaka awang mabigyan ng trabaho, "May pera si tita Gina!"

7:16 AM
Ogie Diaz, nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareno kaya nagmamaka
awang mabigyan ng trabaho, "May pera si tita Gina!"

Agad na nilinaw ni Ogie Diaz na na-misinterpret ng mga netizens ang kaniyang interview with one and only Gina Pareno kamakailan.

Sa isang parte kasi ng kanilang pag uusap ay nakiusap si Gina sa mga direktor na bigyan na siya ulit ng trabaho dahil matagal na siyang nakatambay lamang sa bahay.

Ayon kay Gina, labis na niyang namimiss ang pag arte.

Ani niya ay “gutom na gutom” na siya sa pag acting.

“Gustung-gusto ko pa hong umarte. Sana makasama ko kayong muli. Sana mabigyan ako ng role.

“Nakakalungkot parang wala nang nagmamahal sa akin. Hindi ako nakakaarte, e,”

Sa pinaka bagong vlog ni Ogie, sinabi niyang nanghihingi ng trabaho ang kaniyang “tita Gina” hindi dahil wala itong pera, kung hindi gusto lamang talaga niya ang umarte.

“Ang sabi nila, si Gina Pareño, naghihirap na,” ani niya. Ipinaliwanan din niyang maigi ang tunay na ibig sabihin ng kanilang interview, “Ibig sabihin, miss na miss niyang magtrabaho pero hindi po nangangahulugan na naghihirap si Tita Gina Pareño.”

“Jusko, may pera rin si Tita Gina. May pera yun, gusto niya lang talagang makakita ng mga ilaw ilaw sa shooting o sa taping,” bulalas niya. “Yun lang naman yun, kasi nga nabubwisit yung anak niya, si Raquel. Mali yung intindi nila dun sa interview. Na-misinterpret na naghihirap na si Tita Gina, hindi naman daw.”

Pinatigil kasi ng kaniyang dalawang anak na magtrabaho ang beteranang aktres matapos dahil sa COVID-19.

Hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang pabalikin ng kaniyang mga anak gawa nang may pandemya pa.

Ngunit dahil isang natural na artista ay nais na talaga ni Gina na makapag trabahong muli at gawin ang bagay na pinaka mamahal niya.

Sigaw naman ng mga netizens, nais na rin nilang makita mulia ang nag iisang Gina Pareno sa kanilang mga TV screen!

Isang bride sa Davao City, naiyak na lang matapos makita na halos isang baranggay ang pumunta sa reception ng kasal niya, kahit di naman invited!

2:41 AM
Isang bride sa Davao City, naiyak na lang matapos makita na halos isang
baranggay ang pumunta sa reception ng kasal niya, kahit di naman
invited!

Sa kultura ng mga Pinoy, talagang dapat bongga ang kasal. Lahat imbitado, lahat din dapat, may regalo! Kung kaya naman kahit hindi na kilala ng bagong kasal ay pupunta pa rin, basta may reception!

Kung kaya naman karamihan sa mga wedding coordinators ngayon ay ipinapayo na hanggat maari, dapat ay intimate friends at immediate family members lamang ang iimbitahin, dahil bukod sa sobrang gastos sa kasal ay nawawalan na rin mismo ng essence ang selebrasyon ng pag iisang dibdib, lalo kung hindi naman malapit sa inyo ang inyong makikita sa pinaka mahalagang araw sa inyong buhay!

Kagaya na lamang ng isang bride sa Davao city, na napabuntong hininga at iyak na lang matapos makita na isang buong baranggay ang pumunta sa kaniyang kasal!

Sa isang tiktok video, ipinakita kung paano nawindang ang mag asawa sa pagdating ng mga hindi naman kilala sa mismong pila ng pagkain habang sila ay nagsasayaw.

Ayon sa wedding organizer ng mag asawa na si Vonric Layense na siya rin mismong nagbahagi ng video, hindi umano imbitado ang mga ito, at ang parents nila ang may pakana.

“At first kasi, sobrang dami ng guests. Na-change ang original plan. Dapat program first bago magpakain ng mga bisita.

“Dahil request ng parents na dapat kumain muna bago ang program, hindi naiwasang nerbiyusin ng bride.

“Sa video na nakita, first dance nila yun. At the same time, pumipila na ang mga bisita sa food. Hindi maiwasang magsiksikan.”

Paliwanag pa ni Vonric, “More or less 100 guests lang ang kilala ng couple. The rest, taga-barangay na po.”

Sa speech naman ng bride, inamin niya na kinabahan siya matapos makita niya ang mga dumalo sa kasal at sinabi na karamihan sa kanila ay ngayon niya lang din nakita.

Ngunit sa huli ay masaya naman siya dahil nairaos ang kanilang wedding.

“Invited ang buong barangay, maraming handa man din ang na-prepare. Kaya nakakain lahat. At ang iba ay may nabaon pa.” ani Vonric.

Friday, July 29, 2022

Jodi Sta Maria, ipinasilip ang getaway vacation ng anak na si Thirdy sa iba't ibang mga bansa

9:14 PM
Jodi Sta Maria, ipinasilip ang getaway vacation ng anak na si Thirdy sa
iba't ibang mga bansa

Ang aktres na si Jodi Sta. Si Maria at ang nag-iisang anak na si Thirdy ay kasalukuyang nag-eenjoy sa kanilang bakasyon sa Netherlands.

Ang lead star ng hit series na The Broken Marriage Vow ay nagbabahagi ng mga larawan ng kanilang European trip sa Instagram.

I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy,” ani Jodi nang ibahagi niya ang larawan nila ng anak habang naka pose sa city capital, Amsterdam.

Nag-post din ang aktres ng snap nila ni Thirdy na nakasuot ng tradisyonal na Dutch costume habang bumibisita sa fishing village ng Volendam.

“Life is made with small moments like this. Een goede dag verder (Have a good day)!” caption niya.

Sinabi ni Jodi, sa isang nakaraang post sa social media, na itinuturing niyang “favorite travel buddy” si Thirdy. Ang mag-inang duo ay nakapunta sa maraming masaya at kapana-panabik na pakikipagsapalaran sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang South Africa, Singapore, Taiwan, at Finland, gayundin ang Bohol, Palawan, Cebu, at Boracay.

Si Jodi ay kilala bilang isang thrill seeker, kung kaya naman nahawa niya na rin si Thirdy sa pagiging adventurous nito.

Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, sinisigurado ni Jodi na bigyan ang kanyang sarili ng kinakailangang pahinga mula sa showbiz. Bilang single mom, sinisigurado niyang mabibigyan niya ng quality bonding time ang kanyang anak.

Ayon kay Jodi, naging tradisyon na nilang mag ina ang pagbisita sa ibang bansa kada taon.

Sa isang vlog noong lockdown noong 2020, inalala ni Jodi ang ilan sa kanilang pinakamasayang alaala na nagbabakasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kabilang sa mga paborito ni Thirdy ang mga bansang Zimbabwe, Seychelles, at Finland.

Sinabi ni Thirdy na mahal niya ang bansang South Africa na Zimbabwe dahil sa mga hayop doon habang pinili niya ang Finland dahil sa sleigh ride kasama ang mga reindeer.

Carlo Aquino, "pinusuan" ang larawan ng buntis na si Angelica Panganiban at Alora Sasam

3:23 AM
Carlo Aquino, "pinusuan" ang larawan ng buntis na si Angelica
Panganiban at Alora Sasam

Tila nag cease fire naman na ang alitan ng dating celebrity lovers na si Angelica Panganiban at Carlo Aquino, lalong-lalo ngayon na parehas silang may mga anak na.

Si Carlo, na mayroon nang Enola Mithi sa dating partner na si Trina Candaza at si Angelica naman na may baby girl on the way with her life partner Greg Homann.

Kamakailan lang ay nagbahagi ng larawan si Alora Samsam kasama si Angelica at Kathryn Bernardo.

Napag alaman na sa birthday ni Zanjoe Marudo ginanap amng litrato.

“Oh ang laki ng ngiti ko kala ko birtdey ko din, mga my loves kasi mga mhieee @iamangelicap @bernardokath chika lang kayo nyelfie akiz. Labyubot,” caption ni Alora.

Bukod sa star studded photo ay isa sa mga pinag usapan ng mga netizens ay ang pag “puso” ni Carlo sa larawan ni Alora.

At hindi lang heart react, kung hindi literal na heart emojis sa comment section!

 

 

Kung kaya naman hindi maiwasang mapaisip ng mga fans, lalung-lalo na at napabalitang single na ulit si Carlo ngayon matapos makipag hiwalay kay Trina.

Ngunit alma ng fans ni Angelica, happy na siya ngayon sa kaniyang buhay.

In fact, baka nga hindi na muna bumalik ang aktres sa showbiz pagkatapos manganak.

“Parang… thirty years na rin naman ako sa industriya, parang ang dami ko nang naiambag.

“Siguro ngayon na hinihingi na nung life yung pag-focus naman ako sa aking family, dahil sobrang blessed ko na magkaroon naman ako ng tinatawag na pamilya ngayon.

“Gusto ko, dun ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko dun.

“Kasi si Gregg din, babalik ng work. Ako, parang tututukan ko muna yung baby.

“Pero pag parang kaya ko na, hindi lang ang bata… kapag kaya ko nang iwan siya, yun siguro, babalik na ako ng work,” pahayag niya sa kanilang Youtube channel na pinamagatang The Homans.

Bukod sa non showbiz friends nila ay mga close friends ni Angelica ang magiging ninong at ninang ng kanilang baby.

“Isa na dun siyempre ang mga matatalik naming kaibigan. Nandiyan si Glaiza [de Castro], si Ketchup Eusebio, si John Prats,”

Thursday, July 28, 2022

Skusta Clee, nagpaparinig nga ba kay Vanessa Raval? "pag wala nang choice, pangalan ko na gagamitin"

11:55 PM
Skusta Clee, nagpaparinig nga ba kay Vanessa Raval? "pag wala nang
choice, pangalan ko na gagamitin"

Tila nagparinig naman ang singer at rapper na si Darryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee patungkol sa pagdawit sa kaniya ng influencer na si Vanessa Raval sa isang panibagong issue.

Kamakailan lang kasi ay may ibinahagi si Raval na ilang screenshots tungkol sa isang babaero at pangit na rapper dahil panay umano ang pang chachat nito sa kagustuhang makipag kita sa kaniya.

Ngunit kapansin-pansin na lahat ng mga screenshots ay walang pangalan o kahit profile picture ng mismong kachat niya, kung kaya naman base lang sa mga clue na ibinigay niya ay hindi maiwasang isipin ng mga netizens na baka si Skusta Clee ang tinutukoy ng anak ni Jeric Raval.

At dahil nga rito ay agad na naglipana ang mga Marites online, kagaya na lamang ni Christian Gaza na tila hindi naniniwala sa pasabog ni Raval, dahil mas maganda umano kung buong screenshot ang ipapakita nito sa madla.

At parang nagpaparinig din ang rapper dahil sa mga post nito.

“Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin 🤦🏽‍♂️ aasim nyo uy 😂” aniya.

Sa susunod na post ay direkta na siyang nag call out kay Vaness upang manghingi ng screenshot ng kanila umanong “usapan”.

“Ms. Vanessa Raval,
“I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? 🙂
“I’ll be waiting.”

Sa interview naman ni Vanessa sa Abante ay sinabi niyang pinayuhan siya ng kaniyang abogado na huwag mag name drop dahil kahit tama ang kaniyang panig ay maari siyang kasuhan.

“Narinig nyo na sabi ni atty.? Wag mag name drop at makakasuhan tayo unfair talaga 🙄” pahayag ni Vanessa sa kaniyang Facebook page.