Friday, August 5, 2022
Nanay na iniwan ang anak sa abandonadong baha, hindi inaasahan ang naging ganti sa kaniya

Wednesday, August 3, 2022
Silipin ang nakakakilig na engagement proposal kay Alodia Gosiengfiao ng non showbiz bf Christopher Quimbo

Ang pag-ibig nga naman, talagang hindi masusukat sa tagal o layo, dahil kapag mahal mo, ay mahal mo talagang tunay!
Katulad na lamang ng nangyari sa entrepreneur at sikat na cosplayer na si Alodia Gosiengfiao matapos niyang masayang ibahagi sa publiko ang kaniyang engagement sa non showbiz boyfriend na si Christopher Quimbo.
Sa Youtuve account ng CEO ng Tier One, ipinasilip ni Alodia kung paano nag propose sa kaniya ang kaniyang fiancee
Pagbabahagi niya, sa winery nila Christopher nangyari ang special event.
“Naging suspicious na ako kasi bakit ang daming flowers. Okay, maganda itong pang-Instagram and what-not.
“And then nagkaroon na ng candles and a little parang set-up na doon sa middle. Ah, okay, parang there’s something happening.”
Hindi kalaunan ay lumuhod na rin si Christopher kung saan itinanong na niya sa dalaga, “Will you marry me?”
“Of course!” ang masayang-masayang sagot ni Alodia.
Sa isang banda ng video, nagbahagi si Christopher ng kaniyang excitement sa bagong chapter ng kanilang relationship.
“We went back and played piano. I sang for her. I knew at that point this would happen. Now, she’s my fiancee.”
Matatandaang na bandang December last year, 2021, ay kinumpirma ni Alodia ang hiwalayan nila ng noo’y long term boyfriend na si Wil Dasovich. Sa kabila ng iba’t ibang sumulpot na isyu ay hindi nila ibinahagi sa publiko ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan.
Limang buwan matapos ang kanilang break up, ibinahagi ni Alodia sa publiko na magkasintahan na sila ni Christopher.
Sa pagpapatuloy ni Christopher, sinabi niyang aalagaan niya si Alodia, dahil walang hanggan ang paghanga niya rito hindi lamang bilang partner, kung hindi bilang tao.
“She’s a phenomenal person. So a wonderfully deep person, an entrepreneur, and on top of all that, she’s beautiful.”
Pangako niya, “I’ll be good to her. I’ll be her biggest fan. I’ll treasure her.”

Totoong ang tagumpay ng anak ay tagumpay din ng mga magulang, kung kaya naman abot langit palagi ang ngiti ng ating mga ama tuwing may mga bagong bagay tayong nakakamit.
Kagaya na lamang ng istorya ng mga nagtatapos ngayong buwan, lalung lalo na ang mga cum laude!
Katulad na lamang ng istorya ni Sandra Estefani Ramos, isang magna cum laude na inialay ang kaniyang tagumpay sa ama na nagtaguyod sa kaniyang pag aaral ng napakaraming taon sa pamamagitan ng pag papadyak o pag pepedicab.
Ayon sa kaniyang post, “After so many years of hard work and sacrifices, Papa, Mama, heto na!
“’Pa, ihatod mo na po ang Magna Cum Laude mong aki gamit ang satong padyak!
“I am proud that my father is a pedicab driver.
“And indeed, he is the true magna cum laude.
“All glory be to God.”
Balak pa sanang itago ni Sandra ang magandang balita sa kaniyang mga magulang ngunit aksidenteng nalaman din nila ito noong minsang naglipana ang mga papel sa kanyang folder matapos matamaan ng malakas ng hangin ng electricfan.
Ayon sa kaniyang ina sa interview ng ABS CBN ay walang mapag sidlan ang tuwa nilang mag asawa noong nalaman nila ang sorpresa ni Sandra.
Ayon naman sa kaniyang ama, “Sabi niya gusto niya maging teacher. Sabi ko, ‘Sige kung kaya mo, sige susuportahan kita.’ Sabi ko tiis-tiisin nila para makapagtapos sila.”
Pagbabalik tanaw naman ni Sandra sa kanilang pag hihirap mag pamilya, “Lagi ko siyang niyayakap pag hinahatid niya ako sa terminal.
“Hindi ko naranasang maging pedicab driver, pero pag tinitingnan ko siya, parang nararamdaman ko yung hirap kaya lalo kong ginagawa ang best ko.”
Samantala, ay very humble din siya tungkol sa kaniyang award. “Kahit ngayon hindi ko pa po alam kung paano ko na-achieve yung ganung honor. Kahit alam ko na may mas matalino kaysa sa akin, I still do my best.
“Kahit hindi ko po alam kung paano, alam ko po kung sino yung mga tao na naging rason bakit ako naging magna cum laude.”
Batang tamad mag aral noon, natutong magsumikap at magtinda upang makapagtapos at board top notcher na ngayon!

Kamakailan ay umani ng pansin ang isang board passer matapos niyang ibahagi ang kaniyang istorya sa publiko.
Siya si Jonald Traquina, nakatapag tapos ng kursong education at kalaunan at naging board top notcher.
Sa kaniyang Facebook post, binahagi niya na muntik na niyang hindi ipagpatuloy ang pag aaral dahil sa katamaran.
In fact, puro bagsak ang kaniyang grades noong elementary, at kalaunan ay huminto na rin sa pag aaral.
Matapos ang kaniyang pakiusap sa kaniyang kuya na makapag aral ulit siya ay pinag bigyan ulit sya nito, at dito siya nakapag aral ng high school.
Ngunit bandang kolehiyo ay nagkaroon ng matinding problema ang kanilang pamilya at kinailangan niyang suportahan ang sarili upang maitaguyod ang pag aaral.
“When I was studying in college, I also struggled a lot.
“Back then, I was selling cassava chips and yema spread, tutoring three children after my night class so that I could have my own money to support my studies.
“I also had to study late at night because I had grades to maintain.”
Sa kabila ng kaniyang pag hihirap ay sinikap niyang itaguyod ang kaniyang pangarap dahil alam niyang ang kaniyang diploma ang “best gift” na maari niyang ibigay sa kaniyang mga magulang.
I didn’t just graduate with multiple awards for being a student leader, but also with Latin honors.
“Those struggles which I had experienced for the past ten years just to redeem myself were not just struggles for nothing but also blessings from above.”
Noong May 2019 ay nakapag tapos si Jonald bilang isang cum laude.
Nitong January 3, 2022 naman ay kumuha siya ng Licensure Examination for Professional Teachers. At muli na naman niyang pinahanga ang mga magulang matapos siyang maging top 3, at may rating na 92.20 percent.
“Sobrang saya po ng aking pamilya, mga kababayan sa bayan ng Polillo at ng SLSU Polillo.
“Ito ang unang beses na nagkaroon ng LET topnotcher na nagmula sa aming paaralan kaya’t napakalaking biyaya ito para sa amin.
“Sulit ang dalawang taon na paghahanda at panalangin!” ani Jonald.
Dagdag pa niya, “Topping the board wasn’t easy because I had to deal with pressure and anxiety, and with people’s expectations.
“But it also made me stronger. It taught me to overcome my fears by always asking for guidance from above.”
Netizens, muling binalikan ang pang aalipusta ni Ms. Manila kay Herlene "Hipon" Budol noon, Herlene, 1st runner up sa Bb.Pilipinas

Labis ang pag pupunyagi ng mga netizens sa pagka panalo ni Herlene “Hipon Girl” Budol sa nakalipas na Binibining Pilipinas 2022.
Hindi kasi inaasahan na hakot awards ang magiging eksena niya, at magiging first runner up pa siya! Marami rin ang na antig sa kaniyang pang malakasang sagot sa Q&A na sinisigurado ng marami na siyang nagpapanalo sa kaniya.
Q: “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”
Itinagalog din ito ng host upang tiyak na maintindihan ng kandidata: “Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyong importante ang nangyari sa iyo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas.”
At ang sagot ni Budol: “Para sa ‘kin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan.
“Para sa ‘kin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible.
“Isa po akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”
Pak na pak! Kung kaya naman hindi maiwasan ng netizens na balikan ang mga pagkakataon kung saan kinutya-kutya siya ni Ms. Manila sa isang episode ng Wowowin at tinawag siyang “squammy”
Matatandaan na minsan din itong sinabihan na hindi fit upang maging beauty queen dahil bukod sa wala itong class ay katawan lamang ang maganda dito.
Kaya naman tuloy ngayong bonggang-bongga ang success ni Herlene ay hinunting nila si Ms. Manila upang ipamukha sa kaniya na mas naging matagumpay ang komedyana kesa sa kaniya.
Kung maalala ay hindi naka abot ng finals si Ms. Manila noong Miss Universe Philippines 2021.
Proud na proud naman ang mga kapwa comedian kay Herlene, kabilang na si Vice na aminadong naiyak sa sagot ng dalaga.
“E ung naiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene!”
“O diba!!! Ika nga ni Hipon from comedy to inspiration! Chozzz!!!”
Tuesday, August 2, 2022
Angel Locsin, may inamin tungkol ni Solenn Heussaff noong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz

According to Angel, she really loved auditioning for TV commercials back then and there were times when she lost hope when she once saw Solenn Heussaff was also there for VTR.
Shared Angel, she used to go on a rampage to save for surgery on the eyes of her father Angelo Colmenares.
“Naghahanap ako ng way para maka-contribute sa bahay. So, isa akong batang raketera.
“Okay, may fashion show, ‘Game!’ May audition dito, ‘Game!’ Pero hindi sumasagi sa isip ko na pwede akong mag-artista,” she said during her interview with Mateo Guidecelli on his podcast, MattRuns.
Added Angel, one time, she accompanied her friend to audition for a commercial once.
“Tapos, habang nag-aantay, pina-audition na rin ako. Naka-cap lang ako, naka-backpack, nakapang-wrestling na t-shirt pa ‘ko, kasi uso yun dati,”
Added Angel, she has always been confident about her looks, but she knows that someone else is more pretty than her.
“Alam kong maganda ako, pero hindi yung magandang-maganda. Alangan namang sabihin ko, ang pangit ko. Wala nang ibang pupuri sa akin kundi sarili ko.
“Pero siyempre, may mga limitation, like, kunwari si Solenn. Dati, lagi ko nakakasabay ‘yan sa VTR. Wala pang GMA nu’n. Mga commercial pa lang.
“Nagko-commute ako simula Caloocan papuntang Makati. So, nakailang bus ako, ‘tapos mag-e-MRT pa ‘ko. So, pawis ka na, haggard pa,”
Added her, “Tapos papasok si Solenn, galing kotse. Ang ganda-ganda ni Solenn talaga! Alam mo yung gusto ko na lang umuwi kasi alam mong hindi ka makukuha, yung ganu’n.
“Later on, after so many years, kinausap ko na si Solenn.
“‘Solenn, alam mo ba dati pag pumupunta tayo sa audition, umuuwi na lang ako kasi alam kong hindi ako makukuha?’ Hindi niya ako natatandaan!”
But she then clarified that Solenn has always been kind to everyone, even to her, since then.
“Pero kasi siya IT Girl talaga noon pa. Maganda na talaga, pero mabait. Hindi siya yung snob, ah. Mabait talaga siya.
“So, tawa lang siya nang tawa, ‘Naku, Gel, sorry,’ gumaganun siya. ‘Ba’t ka, nagso-sorry?’
“E, alam mo yun, pag nagko-commercial ka, nag-o-audition ka, may isandaan na babae, isandaan na lalaki talaga. Tapos hindi mo alam kung mapipili ka, pero hanggang du’n lang,”
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section and let us have some discussions!
Paano nga ba nagsimula ang kilig lovestory ng influencer na si Whamos Cruz at Antonette Gail? Silipin dito!

Paano nga ba nagkakilala ang isa sa mga controversial na couple ngayon na si Whamos Cruz at Antonette Gail?
Patok na patok sa netizens ngayon ang tambalang Whamos at Antonette dahil tila Beauty and the Beast ang eksena nilang dalawa!
Madalas na umaani ng komento ang dalawa dahil sa kakaibang style ng kanilang relationship, ngunit ilang beses na nilang napatunayan na palaging mas nananaig ang kanilang pagmamahalan laban sa nakaka lunod na galit at pang huhusga nila.
Isa rin sa isyu na umusbong sa simula ng kanilang pag iibigan ay ang age gap nilang dalawa.
17 lang kasi si Antonette noong nakilala niya si Whamos na noon ay 24 na.
Sa isang panayam sa dalaga, sinabi niyang nauna silang nagkakilala sa sikat na video app na Tiktok, dahil parehas silang content creator.
Doon nagsimula na mapa igi ang kanilang relasyon dahil hindi akalain ni Antonette na liligawan siya ni Whamos.
“Actually nag kakilala kami ni whamos sa TikTok. Nauwi yung isang romantic relationship namin simula nung unexpected na niligawan niya ako then ayun nag tuloy tuloy na siya.”
Hindi naman nagtagal ay nag live in na ang dalawa.
Last year lamang ay napabalita rin ang paghahabol ng mga magulang ni Antonette dahil tumakas di umano ito sa puder nila upang sumama kay Whamos.
Iginiit ng nanay ni Antonette na nag aaral pa ito at marami pang dapat tuparin sa buhay at hindi niya dapat samahan si Whamos dahil hindi magandang impluwensiya ito.
Tila nadala naman sa maayos na usapan ang mga magulang ni Antonette dahil dumalo rin sila sa 18th birthday celeration nito kasama si Whamos.
At ngayon, masayang ibinalita ng dalawa na mayroon na silang baby on the way!
Matatag pa rin ang relasyon ni Whamos at Antonette. Nitong nakaraan lamang ay ipinag tanggol pa ng dalawa ang kaniyang kasintahan dahil sa dami ng nanghuhusga sa kaanyuan nito, at idinadamay din ang kanilang paparating na anak.
Donnalyn Bartolome, abot langit ang kilig matapos yayain bigla ni JM De Guzman ng date sa kalagitnaan ng vlog, "Wala to sa script!"

Tila may newly found online ship naman ngayon ang mga netizens matapos mag collab si JM De Guzman at ang vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome sa pinaka bagong vlog ng aktor.
Sa vlog na pinamagatang “Can’t say no challenge war” ay nagpalakasan ng trip ang dalawa at talagang game na game din naman sila!
Sa unang bahagi ay nag dare si Donna na haranahin siya ni JM, at walang pag aalinlangang ginawa naman ito agad ng binata.
Aminadong kilig na kilig naman si Donna dahil ayon sa kaniya, eto umano ang unang beses niyang maharana.
Sunod naman ay si JM kung saan humiling siya na maging malambing ang vlogger sa kaniya na tila sila ay mag jowa!
Si Donna ay walang pag aatubiling sinunod ang gusto ni JM, at agad namang lumaban ng dare na mag suot ang aktor ng 3 inch heels habang naglilibot sila sa mall.
Sa kalagitnaan ng kanilang paghaharutan ay hiniling ni JM na mag baby talk si Donna. Noong una ay ayaw pa ng singer, ngunit kalaunan ay ginawa rin naman niya ito.
Bago naman matapos ay kanilang vlog ay ginulat ni JM ang vlogger matapos niyang yayain itong makipag date sa kaniya.
“Kailangan mo akong payagan na i-date ka, next time”
Bakas naman ang pagka bigla sa mukha ni Donna na agad na binuking na wala sa script ang pag aalok ng date ni JM sa kaniya.
“Sa vlog pa talaga ginawa, nakakahiya! Hindi ‘to scripted. I swear to God,”
Matapos maka get over sa pagka shock ng dalaga ay pumayag din siya sa yaya ni JM. Pag lilinaw niya, isang friendly date lang ang mangyayari. Tinanong din nila ang mga followers ni JM kung saan nila gustong makitang mag date ang dalawa.
Hindi naman nakaka gulat na sobrang positibo ng naging reaksyon ng netizens sa vlog ng dalawa. Kilig na kilig ang mga netizens at mukhang masusundan pa yata ng panibagong vlog ang collab nila!
Monday, August 1, 2022
Derek Ramsay, ipinaliwanag kung bakit nais ilipat ang lahat ng yaman sa pangalan ni Ellen Adarna

Inaliw ni Ellen Adarna ang kaniyang mga fans matapos niyang ibunyag ang kwento sa likod ng kaniyang pagtawag sa asawa bilang “best in OA”.
Ibinahagi ng aktres na si Ellen na gustong ilipat sa kanya ng asawang aktor na si Derek Ramsay ang kanyang mga ari-arian nang mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon.
Ang kuwento ng pag-iibigan nina Ellen at Derek ay di maikakailang tila bukas na libro sa buong publiko. Isa nga itong whirlwind romance ngunit naging inspirasyon ng marami na ang paghahanap ng inyong “the one” ay maaaring hindi masukat sa bilis ng panahon.
After a month of knowing each other kasi ay naging sila na ni Derek, at after 4 months of relationship ay na engage na ang dalawa.
Noong nakaraang February ay nag celebrate sila ng kanilang anniversary bilang magkasintahan.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Ellen ang pinagdaanan nila ni Derek nang magpositibo sila sa COVID-19. Ito ay over her tell-all/question and answer session sa kanyang Instagram account.
Isa sa mga itinanong sa kanya ay ang tungkol sa kanilang karanasan sa pakikipaglaban sa virus, base sa artikulo sa PEP. Sinabi ni Ellen Adarna na mahinahon niyang hinarap ito ngunit iba ang naging reaksyon ng kanyang asawa.
Ani Ellen, “’Day kay ako, kalma lang talaga, but siya, best in OA, ‘I want to die,’ ganyan, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ganun siya.”
Ibang level din daw ang pagka OA ni Derek! “So sabay kami, natulog kami, nagpahinga. Limang beses niya ko ginising, just to tell me… ‘I’m dying,’ mamatay na daw siya, ililipat na daw niya ang kanyang pera at assets,”
Sinabi rin niya na ang kanyang asawa ay umabot na sa punto ng paggawa ng isang sulat-kamay na will and testament. Ibinahagi rin ng aktres na sinabi ni Derek na if ever na muli silang mag positibo sa virus, tatawag siya kaagad ng ambulansya.
Ibinahagi rin ni Ellen Adarna na mas pipiliin niyang magkaroon ng COVID-19 kaysa sa hangover. Bihira na raw siyang uminom ngayon dahil hindi na siya party girl.
Barbie Imperial, inaming hindi binabalikan ang mga exes, "Panindigan mo yan, sinayang mo ako eh"

Matapang na sinagot ni Barbie Imperial ang mga maanghang na questions ng netizens tungkol sa kaniya sa pinaka bago niyang vlog.
Isa na rito kung sino sa mga ex boyfriend niya ang nanakit sa kaniya?
Matatandaang may apat na ex boyfriend si Barbie sa showbiz. Si Ryle Santiago, JM De Guzman, Paul Salas at Diego Loyzaga.
Ayon sa kaniya, si Diego ang pinaka masakit na break up niya. “Wala namang anong pisikal, siguro overall damage, like nasaktan ka talaga.
“Ako, honestly, yung pinakanasaktan talaga ako, I think si Diego talaga.
“Siya yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganun.
“Tapos siya yung, alam mo yun, na pag may na-meet kang someone, minsan mo lang na-feel yung akala mo siya na talaga.
“Yung parang may mga usap-usapan na kayo, ‘Sa’n tayo titira, ilang anak?’ Yung mga ganun.”
Dito ay inamin din niya na nakapang ligaw na rin siya ng lalaki!
“Oo naman, dyusko! Sa first boyfriend ko, kay Ryle.”
Kuwento ni Barbie, marami umano siyang kaagaw kay Ryle noon nung miyembro pa siya ng GirlTrends, “Ako talaga yung may gusto sa kanya. Tapos, nung time na yun, iba-ibang GirlTrends pa yung may gusto sa kanya, char!
“Medyo may mga kaagaw pa akong GirlTrends nun, tapos, ayun, naipanalo ko naman.
“Ako naman yung naging jowa pero hindi pa rin kami nagkatuluyan. So, ayun.”
Tuwing binabalikan niya umano ang alaalang iyon ay natatawa na lamang siya.
Sumunod na tanong naman ay kung bumabalik ba siya sa mga ex niya?
Matapang namana ang sagot ni Barbie ukol dito.
“Ako kasi yung tao na, well, siguro depende, ako kasi parang pag breakup ko with my ex, after kami maghiwalay, usually may mga bago na silang girls.
“So, ako yung tipong, ‘If natikman mo na yung ibang babae after sa akin, bakit ka babalik sa akin? Porke’t hindi masarap yung ulam na natikman mong bago, babalik ka sa akin?’
“Parang, ‘Panindigan mo ‘yan. ‘Yan ang pinili mo, di ba? Sinayang mo ako, e.’”
Sunday, July 31, 2022
Best mother in law! Sylvia Sanchez, sweet na sweet ang post ng pag congrats kay Maine Mendoza bilang fiance ng anak, "Welcome to the family!"

Talagang hinangaan ang sweetness at pagka welcoming ng aktres na si Sylvia Sanchez matapos niyang icongratulate ang kaniyang anak na si Arjo Atayde at ang kaniyang future daughter-in-law, Maine Mendoza sa engagement nila na ginanap nitong July 28, 2022.
Sa kaniyang post, mababakas ang pagka kilig ng beteranang aktres sa nangyaring proposal at sinabing masayang-masaya siya para sa kaniyang mga anak.
Sa Instagram, ibinahagi niya ang ilang mga larawan ng nasabing proposal kabilang na rin ang kuha nila kung saan hinalikan niya sa noo si Maine.
“He asked Her and She said, YES!!!
“Finally!! Welcome to the family, Maine [heart emoji] Thank you for loving my son.
Love you Nak [face blowing a kiss emojis]
“I promise that I will take care and love you as my own Daughter [heart emoji]
“@arjoatayde @mainedcm #Armaine [heart emoji]
“Happy morning [woman dancing, man dancing, woman dancing emojis]”
Makikitang talagang mahal na mahal ng aktres ang Eat Bulaga star.
Dati pa lang ay full support na si Sylvia sa relasyon ng dalawa.
Sa interview niya noong 2019 ay sinabi niyang hindi rin siya nangengealam sa desisyon ni Arjo patungkol sa personal na buhay nito.
“Saka hindi ko pinapakialaman sila ni Arjo. Busy rin ako, di ba?
“So, imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko.
“Kulang na nga ako sa oras ko, sa pagiging asawa, sa pagiging nanay, pakikialaman ko pa ba yung love life ng mga anak ko? Bahala sila!”
Matatandaan ding isa si Sylvia sa laging nagpopost tungkol kay Maine sa tuwing kasama nila ito tuwing family bonding.
“Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay [smile emoji]
“Coach @mainedcm thank you [smile emoji] at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko hahaha [hearts and kissmark emojis]
“#family #happiness #blessing #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes
#thankuLORD Happy morning [smile emojis]”
Gladys Guevarra, emosyonal na ibinahagi kung paano siya iniwan ng bf at tinangay ang lahat ng kaniyang pera

Matapang na hinarap ng aktres at komedyante na si Gladys Guevarra ang lahat ng hamon sa kaniyang buhay, partikular na ang isa sa pinaka matinding pagsubok na pinagdaanan niya dalawang taon na ang nakararaan.
Noong nag pandemya ay nakaisip ang komedyante na gawing business ang kaniyang talento sa pagluluto at hindi kalaunan ay naging successful ito.
Ang kaniyang karelasyon noon na si Leon, ay in charge sa pag momonitor ng orders, ng payments, at lahat ng online transaction ng aktres dahil sa sobrang busy niya ay hindi na niya ito kayang gawin mag isa.
Ngunit noong September 2, 2020 ay mag isang humarap ang umiiyak na si Gladys sa Facebook live ng kaniyang page upang sabihin na lahat ng orders ng kanilang kakanin business ay kanselado na.
Nagkaroon umano kasi siya ng personal na problema at di umano’y tinakbo ng kaniyang fiance ang pera ng negosyo.
“Yung sinasabi kong hindi inaasahang kadahilanan ay yun aking pong partner.
“And as you guys noticed, nung mga una pong nag-o-order kayo, ang ibinibigay ko pong bank details ay BDO account ko, okay.”
Dagdag pa niya, “Ang salita po ng partner ko, ang ilalagay na lang siya sa system, at sa page is yung BDO account niya, BPI account niya, at GCash niya, sa kadahilanang wala akong BDO online.
“So, hindi ko mamu-monitor lahat ng perang papasok or lahat ng ibabayad sa orders.
“So, pumayag ako out of trust, out of good faith, dahil nga partner ko siya at karelasyon ko siya.”
Pagkatapos kasi ng alitan nila ay tuluyan na silang naghiwalay dalawa.
“Di ba, ang sakit sa loob na karelasyon mo pa?
“Well, I’m not saying itinakbo yung pera, but some of it tinakbo na talaga dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw nang ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag.
“At mapapatunayan ko naman po ‘yan at mapapatunayan ng lahat ng umorder dahil lahat po ng finorward niyong payments, nakita ninyo kung kanino nakapangalan yung BDO account at yung GCash.
“Hindi sa akin. Hindi sa akin.”
Ipinakita rin niya na tinangay ang lahat ng gamit sa opisina at hindi na rin niya makontak ang dating karelasyon kaugnay sa mga dapat i settle na transactions.
Nangako si Gladys noon na maibabalik niya ang pera, at nagawa naman niya iyon.
May mensahe din siya kay Leon na noon ay nagtatago.
“Alam mo, kung mapapanood mo ‘to, Leon, hindi na masakit ang pagkawala mo, e.
“Ang masakit dun ay ilan ‘tong taong ito na tatanggalin mo ang tiwala sa akin dahil sa ginawa mo.”
Ogie Diaz, may mensahe para sa mga itinuturing na bayani ang gunman sa Ateneo shootout "Mga Lukaret!"

Diretsahan namang inihayag ng reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang kaniyang pagka dismaya sa naging reaksyon ng karamihan sa ating mga kababayan ukol sa nangyaring pang babaril sa graduation sa Ateneo noong nakaraan lamang.
Hulyo 26, 2022 nagulantang ang buong sambayanan matapos mapag alaman na ang dapat masaya at puno ng pagdiriwang na pagtatapos sa Ateneo Law School ay napalitan ng takot at hinagpis matapos mangyari ang isang shoot out.
Ang suspek sa krimen na si Dr. Chao-Tiao Yumol ay napag alamang may personal na galit sa kaniyang biktima, former Lamitan, Basilan mayor Rose Furigay.
Bukod kay Furigay ay patay din ang dalawang kasama nito na si Victor Capistrano at Jeneven Bandiala. Samantalang ang anak naman ni Furigay na si Hannah ay sugatan at dagliang isinugod sa ospital.
Ayon sa ilan sa mga netizens, may dahilan umano ang suspek upang humantong sa pang babaril.
Ani pa nila, sangkot umano si Furigay sa illegal na droga kung kaya nagpasya si Yumol na ilagay ang hustisya sa kaniyang mga kamay.
Kung kaya naman marami pa rin sa atin ang tinuturing siyang “bayani” at ipinag darasal pa ang kaniyang kalakasang loob at katatagan!
Agad-agad namang naglabas ng pahayag ang nasa kabilang panig ng internet, kagaya na lamang ni Ogie Diaz.
Sa kaniyang Twitter account, ini retweet nito ang isang post na nagsasabing nakakabahala na tama sa paningin ng iba ang pagpatay at pag baril.
“Ung ginawang brave hero ung mamatay tao. Tapos sinabing ‘Stay strong, Doc! Baka ngayon mapansin na ng gobyerno ang ipinaglalaban mo.’
“Pag mga peaceful protest tinatawag niyong salot, tapos etong pumatay ng mga tao pinipinta niyong Bayani?
“Sira na ulo niyo.” ani ng nag post.
Sinang ayunan naman ito agad ng dating talent manager ni Liza Soberano at sinabi pang “Mga Lukaret” ang mga taong sumusuporta kay Yumol.
Tanda niyo pa ba ang dating Viva Hot Babe na si Ella V? Silipin natin ang buhay niya matapos lisanin ang showbiz

Sino nga ba ang makakalimot sa makamandag na Viva Hot Babes? Mula sa kanilang mga hit songs hanggang sa pag bloom ng kani-kanilang solo career, isa sila sa patok na patok na girl group ng bansa noon.
Kung kaya naman laking panghihinayang ng mga fans ng isa sa mga member nila na si Ella V ay nag desisyon na umalis noon sa kabila ng kasagsagan ng kanilang katanyagan.
Kaya naman tanong ng mga netizens ngayon, asan na kaya ang dating dancer?
Sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal sa aktres noong minsang napabisita siya sa bansa, napag alaman na isa na pala itong businesswoman ngayon.
Agad naman siyang tinanong kung may balak ba siyang bumalik sa showbiz, “Why not?! Nakaka-miss din ang umarte.
“But my priority right now is my business as we’re expanding in the Philippines. It’s an exciting time for sure!”
Hanggang ngayon din ay nagke keep in touch din sila ng kanilang mga dating ka miyembro.
“Of course! They’re all near and dear to me. I value the friendship I formed with them and I continue to maintain it by keeping in touch with them.
“Especially when I’m in the Philippines I try to meet up with them to catch up. Katya, Jaycee, Maricar, Sheree, and Reic I would say are very close to me.”
Inusisa din siya kung ang tunay na dahilan ba ng pag alis niya ng showbiz ay walang kasiguraduhan dito at mababa ang talent fee?
“Everyone in show business has an expiration date and we all know that. My decision leaving showbiz is more of questioning myself where I want to be in 5-10 years.
“But the major contributing factor is having met my husband and not wanting a long-distance relationship,”
Kuwento pa niya, “We met while I was doing a show here in L.A. We were introduced and started dating.
“I was back and forth here in U.S. and we decided get married since we both felt it was just right for us.”
Saturday, July 30, 2022
Ogie Diaz, nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareno kaya nagmamaka awang mabigyan ng trabaho, "May pera si tita Gina!"

Agad na nilinaw ni Ogie Diaz na na-misinterpret ng mga netizens ang kaniyang interview with one and only Gina Pareno kamakailan.
Sa isang parte kasi ng kanilang pag uusap ay nakiusap si Gina sa mga direktor na bigyan na siya ulit ng trabaho dahil matagal na siyang nakatambay lamang sa bahay.
Ayon kay Gina, labis na niyang namimiss ang pag arte.
Ani niya ay “gutom na gutom” na siya sa pag acting.
“Gustung-gusto ko pa hong umarte. Sana makasama ko kayong muli. Sana mabigyan ako ng role.
“Nakakalungkot parang wala nang nagmamahal sa akin. Hindi ako nakakaarte, e,”
Sa pinaka bagong vlog ni Ogie, sinabi niyang nanghihingi ng trabaho ang kaniyang “tita Gina” hindi dahil wala itong pera, kung hindi gusto lamang talaga niya ang umarte.
“Ang sabi nila, si Gina Pareรฑo, naghihirap na,” ani niya. Ipinaliwanan din niyang maigi ang tunay na ibig sabihin ng kanilang interview, “Ibig sabihin, miss na miss niyang magtrabaho pero hindi po nangangahulugan na naghihirap si Tita Gina Pareรฑo.”
“Jusko, may pera rin si Tita Gina. May pera yun, gusto niya lang talagang makakita ng mga ilaw ilaw sa shooting o sa taping,” bulalas niya. “Yun lang naman yun, kasi nga nabubwisit yung anak niya, si Raquel. Mali yung intindi nila dun sa interview. Na-misinterpret na naghihirap na si Tita Gina, hindi naman daw.”
Pinatigil kasi ng kaniyang dalawang anak na magtrabaho ang beteranang aktres matapos dahil sa COVID-19.
Hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang pabalikin ng kaniyang mga anak gawa nang may pandemya pa.
Ngunit dahil isang natural na artista ay nais na talaga ni Gina na makapag trabahong muli at gawin ang bagay na pinaka mamahal niya.
Sigaw naman ng mga netizens, nais na rin nilang makita mulia ang nag iisang Gina Pareno sa kanilang mga TV screen!
Isang bride sa Davao City, naiyak na lang matapos makita na halos isang baranggay ang pumunta sa reception ng kasal niya, kahit di naman invited!

Sa kultura ng mga Pinoy, talagang dapat bongga ang kasal. Lahat imbitado, lahat din dapat, may regalo! Kung kaya naman kahit hindi na kilala ng bagong kasal ay pupunta pa rin, basta may reception!
Kung kaya naman karamihan sa mga wedding coordinators ngayon ay ipinapayo na hanggat maari, dapat ay intimate friends at immediate family members lamang ang iimbitahin, dahil bukod sa sobrang gastos sa kasal ay nawawalan na rin mismo ng essence ang selebrasyon ng pag iisang dibdib, lalo kung hindi naman malapit sa inyo ang inyong makikita sa pinaka mahalagang araw sa inyong buhay!
Kagaya na lamang ng isang bride sa Davao city, na napabuntong hininga at iyak na lang matapos makita na isang buong baranggay ang pumunta sa kaniyang kasal!
Sa isang tiktok video, ipinakita kung paano nawindang ang mag asawa sa pagdating ng mga hindi naman kilala sa mismong pila ng pagkain habang sila ay nagsasayaw.
Ayon sa wedding organizer ng mag asawa na si Vonric Layense na siya rin mismong nagbahagi ng video, hindi umano imbitado ang mga ito, at ang parents nila ang may pakana.
“At first kasi, sobrang dami ng guests. Na-change ang original plan. Dapat program first bago magpakain ng mga bisita.
“Dahil request ng parents na dapat kumain muna bago ang program, hindi naiwasang nerbiyusin ng bride.
“Sa video na nakita, first dance nila yun. At the same time, pumipila na ang mga bisita sa food. Hindi maiwasang magsiksikan.”
Paliwanag pa ni Vonric, “More or less 100 guests lang ang kilala ng couple. The rest, taga-barangay na po.”
Sa speech naman ng bride, inamin niya na kinabahan siya matapos makita niya ang mga dumalo sa kasal at sinabi na karamihan sa kanila ay ngayon niya lang din nakita.
Ngunit sa huli ay masaya naman siya dahil nairaos ang kanilang wedding.
“Invited ang buong barangay, maraming handa man din ang na-prepare. Kaya nakakain lahat. At ang iba ay may nabaon pa.” ani Vonric.
Friday, July 29, 2022
Jodi Sta Maria, ipinasilip ang getaway vacation ng anak na si Thirdy sa iba't ibang mga bansa

Ang aktres na si Jodi Sta. Si Maria at ang nag-iisang anak na si Thirdy ay kasalukuyang nag-eenjoy sa kanilang bakasyon sa Netherlands.
Ang lead star ng hit series na The Broken Marriage Vow ay nagbabahagi ng mga larawan ng kanilang European trip sa Instagram.
I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy,” ani Jodi nang ibahagi niya ang larawan nila ng anak habang naka pose sa city capital, Amsterdam.
Nag-post din ang aktres ng snap nila ni Thirdy na nakasuot ng tradisyonal na Dutch costume habang bumibisita sa fishing village ng Volendam.
“Life is made with small moments like this. Een goede dag verder (Have a good day)!” caption niya.
Sinabi ni Jodi, sa isang nakaraang post sa social media, na itinuturing niyang “favorite travel buddy” si Thirdy. Ang mag-inang duo ay nakapunta sa maraming masaya at kapana-panabik na pakikipagsapalaran sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang South Africa, Singapore, Taiwan, at Finland, gayundin ang Bohol, Palawan, Cebu, at Boracay.
Si Jodi ay kilala bilang isang thrill seeker, kung kaya naman nahawa niya na rin si Thirdy sa pagiging adventurous nito.
Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, sinisigurado ni Jodi na bigyan ang kanyang sarili ng kinakailangang pahinga mula sa showbiz. Bilang single mom, sinisigurado niyang mabibigyan niya ng quality bonding time ang kanyang anak.
Ayon kay Jodi, naging tradisyon na nilang mag ina ang pagbisita sa ibang bansa kada taon.
Sa isang vlog noong lockdown noong 2020, inalala ni Jodi ang ilan sa kanilang pinakamasayang alaala na nagbabakasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kabilang sa mga paborito ni Thirdy ang mga bansang Zimbabwe, Seychelles, at Finland.
Sinabi ni Thirdy na mahal niya ang bansang South Africa na Zimbabwe dahil sa mga hayop doon habang pinili niya ang Finland dahil sa sleigh ride kasama ang mga reindeer.
Carlo Aquino, "pinusuan" ang larawan ng buntis na si Angelica Panganiban at Alora Sasam

Tila nag cease fire naman na ang alitan ng dating celebrity lovers na si Angelica Panganiban at Carlo Aquino, lalong-lalo ngayon na parehas silang may mga anak na.
Si Carlo, na mayroon nang Enola Mithi sa dating partner na si Trina Candaza at si Angelica naman na may baby girl on the way with her life partner Greg Homann.
Kamakailan lang ay nagbahagi ng larawan si Alora Samsam kasama si Angelica at Kathryn Bernardo.
Napag alaman na sa birthday ni Zanjoe Marudo ginanap amng litrato.
“Oh ang laki ng ngiti ko kala ko birtdey ko din, mga my loves kasi mga mhieee @iamangelicap @bernardokath chika lang kayo nyelfie akiz. Labyubot,” caption ni Alora.
Bukod sa star studded photo ay isa sa mga pinag usapan ng mga netizens ay ang pag “puso” ni Carlo sa larawan ni Alora.
At hindi lang heart react, kung hindi literal na heart emojis sa comment section!
Kung kaya naman hindi maiwasang mapaisip ng mga fans, lalung-lalo na at napabalitang single na ulit si Carlo ngayon matapos makipag hiwalay kay Trina.
Ngunit alma ng fans ni Angelica, happy na siya ngayon sa kaniyang buhay.
In fact, baka nga hindi na muna bumalik ang aktres sa showbiz pagkatapos manganak.
“Parang… thirty years na rin naman ako sa industriya, parang ang dami ko nang naiambag.
“Siguro ngayon na hinihingi na nung life yung pag-focus naman ako sa aking family, dahil sobrang blessed ko na magkaroon naman ako ng tinatawag na pamilya ngayon.
“Gusto ko, dun ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko dun.
“Kasi si Gregg din, babalik ng work. Ako, parang tututukan ko muna yung baby.
“Pero pag parang kaya ko na, hindi lang ang bata… kapag kaya ko nang iwan siya, yun siguro, babalik na ako ng work,” pahayag niya sa kanilang Youtube channel na pinamagatang The Homans.
Bukod sa non showbiz friends nila ay mga close friends ni Angelica ang magiging ninong at ninang ng kanilang baby.
“Isa na dun siyempre ang mga matatalik naming kaibigan. Nandiyan si Glaiza [de Castro], si Ketchup Eusebio, si John Prats,”
Thursday, July 28, 2022
Skusta Clee, nagpaparinig nga ba kay Vanessa Raval? "pag wala nang choice, pangalan ko na gagamitin"

Tila nagparinig naman ang singer at rapper na si Darryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee patungkol sa pagdawit sa kaniya ng influencer na si Vanessa Raval sa isang panibagong issue.
Kamakailan lang kasi ay may ibinahagi si Raval na ilang screenshots tungkol sa isang babaero at pangit na rapper dahil panay umano ang pang chachat nito sa kagustuhang makipag kita sa kaniya.
Ngunit kapansin-pansin na lahat ng mga screenshots ay walang pangalan o kahit profile picture ng mismong kachat niya, kung kaya naman base lang sa mga clue na ibinigay niya ay hindi maiwasang isipin ng mga netizens na baka si Skusta Clee ang tinutukoy ng anak ni Jeric Raval.
At dahil nga rito ay agad na naglipana ang mga Marites online, kagaya na lamang ni Christian Gaza na tila hindi naniniwala sa pasabog ni Raval, dahil mas maganda umano kung buong screenshot ang ipapakita nito sa madla.
At parang nagpaparinig din ang rapper dahil sa mga post nito.
“Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin ๐คฆ๐ฝ♂️ aasim nyo uy ๐” aniya.
Sa susunod na post ay direkta na siyang nag call out kay Vaness upang manghingi ng screenshot ng kanila umanong “usapan”.
“Ms. Vanessa Raval,
“I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? ๐
“I’ll be waiting.”
Sa interview naman ni Vanessa sa Abante ay sinabi niyang pinayuhan siya ng kaniyang abogado na huwag mag name drop dahil kahit tama ang kaniyang panig ay maari siyang kasuhan.
“Narinig nyo na sabi ni atty.? Wag mag name drop at makakasuhan tayo unfair talaga ๐” pahayag ni Vanessa sa kaniyang Facebook page.
Vice Ganda, sinakal si Anne Curtis matapos siyang sabihang pangit sa Its Showtime Live Stage!

Aliw na aliw na naman ang netizens dahil sa pagbabalik ng “physical hosting” ng Its Showtime Family!
Ito ay kung saan naghaharutan ang mga main hosts na si Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at Jhong Hilario hanngang sa… tama ang hula niyo, overtime na naman sila!
Sa pinaka recent na episode ng programa ay nag viral ang isang pagkakamali sa script ni Anne kung saan dapat sasabihin niya kay Vice na “pumagitna” na siya upang umpisahan ang kanilang Ms. Q&A segment.
Ngunit dahil conyo at hindi ganun kagaling magtagalog ay namali ng basa ang aktres at nasabing, “Kaya naman sisterette, pumangit ka na!”
Agad namang nag react sila Vhong at sinabing “pumagitna yon!”
Samantalang si Vice na kunwaring na offend ay pabirong sinakal si Anne Curtis na patuloy sa pagpapaliwanag, “walang diyosa-diyosa dito!”
Tawang-tawa naman ang mga manunuod dahil panibagong kalokohan na naman ang namuo sa stage!
“grabe ka anne๐คฃ๐คฃ๐คฃ๐ ♥️♥️♥️๐๐love you meme vice๐๐kahit pangit ka love na love kita♥️♥️”
“Hahaha ang cute ni anne.. daming tawa ki dito .. hahahha .. ang kulit .na hindi scripted hehehe i love you all po Super unkabogable funny moment ๐๐ cute ninyo apat,galing mo dun anne napatawa mo ang mga madla people๐๐๐๐”
“Si vhong tlga ang my salarin ๐๐๐๐si Anne namn n bulol tlgang sunod ๐๐๐คฃ๐คฃkakatuwa ka tlga anne mgtagalog so cute haba ng tawa ko dito til now 4pm tawang tawa pa aq๐คฃ๐คฃ๐คฃ๐คฃ”
“Iba tlga pg nsa showtime c anne ang saya lalo n pg silang apat mgkakasama I miss you 4 ..the best tlga kau..sna mgksegment uli ng kalokalike at kayong apat pdin host .๐ฅฐ๐ฅฐ๐ฅฐ”
“Hahaha itong dalawang to VhongAnne pag nagkasama sa show nakakawa talaga๐คฃ๐คฃ๐คฃpaulit-ulit ko talaga pinanuod ito nakakatanggal ng pagud๐๐๐”
“Jusko Anne Curtis ๐คฃ๐คฃ mapapaanak aq kkatwa sau..nkakasaya kau ng araw tlga kht haggard sa buong araw ๐ค๐๐๐คฃ”