Showing posts with label top notcher. Show all posts
Showing posts with label top notcher. Show all posts

Wednesday, August 3, 2022

Batang tamad mag aral noon, natutong magsumikap at magtinda upang makapagtapos at board top notcher na ngayon!

1:11 AM
Batang tamad mag aral noon, natutong magsumikap at magtinda upang
makapagtapos at board top notcher na ngayon!

Kamakailan ay umani ng pansin ang isang board passer matapos niyang ibahagi ang kaniyang istorya sa publiko.

Siya si Jonald Traquina, nakatapag tapos ng kursong education at kalaunan at naging board top notcher.

Sa kaniyang Facebook post, binahagi niya na muntik na niyang hindi ipagpatuloy ang pag aaral dahil sa katamaran.

In fact, puro bagsak ang kaniyang grades noong elementary, at kalaunan ay huminto na rin sa pag aaral.

Matapos ang kaniyang pakiusap sa kaniyang kuya na makapag aral ulit siya ay pinag bigyan ulit sya nito, at dito siya nakapag aral ng high school.

Ngunit bandang kolehiyo ay nagkaroon ng matinding problema ang kanilang pamilya at kinailangan niyang suportahan ang sarili upang maitaguyod ang pag aaral.

“When I was studying in college, I also struggled a lot.

“Back then, I was selling cassava chips and yema spread, tutoring three children after my night class so that I could have my own money to support my studies.

“I also had to study late at night because I had grades to maintain.”

Sa kabila ng kaniyang pag hihirap ay sinikap niyang itaguyod ang kaniyang pangarap dahil alam niyang ang kaniyang diploma ang “best gift” na maari niyang ibigay sa kaniyang mga magulang.

I didn’t just graduate with multiple awards for being a student leader, but also with Latin honors.

“Those struggles which I had experienced for the past ten years just to redeem myself were not just struggles for nothing but also blessings from above.”

Noong May 2019 ay nakapag tapos si Jonald bilang isang cum laude.

Nitong January 3, 2022 naman ay kumuha siya ng Licensure Examination for Professional Teachers. At muli na naman niyang pinahanga ang mga magulang matapos siyang maging top 3, at may rating na 92.20 percent.

“Sobrang saya po ng aking pamilya, mga kababayan sa bayan ng Polillo at ng SLSU Polillo.

“Ito ang unang beses na nagkaroon ng LET topnotcher na nagmula sa aming paaralan kaya’t napakalaking biyaya ito para sa amin.

“Sulit ang dalawang taon na paghahanda at panalangin!” ani Jonald.

Dagdag pa niya, “Topping the board wasn’t easy because I had to deal with pressure and anxiety, and with people’s expectations.

“But it also made me stronger. It taught me to overcome my fears by always asking for guidance from above.”