Showing posts with label pregnant rita. Show all posts
Showing posts with label pregnant rita. Show all posts

Tuesday, August 9, 2022

Rita Gaviola aka Badjao Girl, may anak na pala!

7:51 AM


Marami ang nagulantang matapos kumpirmahin ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Rita Gaviola na siya ay isa nang ganap na ina.

August 9, 2022 nang matapang na ibinunyag ni Rita o mas kilala bilang Badjao Girl sa kanyang social media account na siya ay nanganak na sa 1st baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Nagsimula ang mga espekulasyon tungkol sa kanyang pagdadalantao matapos mapansin ng ilang netizen na tila tumataba ang dalaga. Sa kanyang Tiktok video ay may iilan na nagtatanong kung siya ba ay buntis at pabiro itong sinagot ng dalaga.

Aniya, “Opo sabi mo. Hahaha opo buntis ako sabi ng hula.”

Matapos sagutin ang mga intriga ay nag-private na si Rita sa Tiktok. Ilang buwan itong naging tahimik ngunit nito lamang nang matapang niyang ibahagi ang larawan ng kanyang anak at ng ama nito.

Ayon kay Rita, wala siyang pakialam sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao. Ang hiling lang niya ay huwag idamay ang kanyang anak sa panghuhusga at pambabatikos ng publiko.

“Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang sa akin basta wag ninyo lang idamay ang anak ko. Tatanggapin ko lahat ng masasakit wag lang anak ko,” caption nito sa nasabing post.

Sa kabilang banda, sinabi nito na ipinagmamalaki niyang hindi niya ipinalaglag ang kanyang anak para lamang pangalagaan ang kanyang pangalan at kasikatan.

“Pero isa lang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko pinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan,” ani Rita Gaviola.

Samantalang iba-iba naman ang naging reaksyon ng publiko. May iilan na hindi makapaniwalang may anak na si Rita dahil isa lamang itong musmos at walang muwang na bata noon sa kalsada bago ito na-discover.

Gayunpaman, may iilan naman na nagsasabing huwag nalang pansinin ni Rita ang sasabihin ng mga tao. Mag-focus nalang ito sa kanyang anak at protektahan ito sa pamamagitan ng pag limit sa pagpo-post at paggamit ng social media.