Naglabas ng warrant of arrest ngayong Lunes ng umaga ang isang korte sa
Taguig laban sa TV host-comedian na si Vhong Navarro kaugnay sa kasong acts
of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

Pero bago pa maaresto, sumurender si Navarro sa National Bureaun of Investigation.
Nagrekomenda ng P36,000 piyansa ang
Taguig Metropolitan Court para sa pansamantalang kalayaan ni Navarro.

Hiwalay ang nasabing kaso sa rape case na isinampa rin ni Cornejo laban kay Navarro.

Ayon kay Cornejo, naganap ang pang-aabuso sa kanya ni Navarro sa condominium unit nito sa Taguig noong Enero 22, 2014.