Hindi maikakailang isa si Yen Santos sa mga pinakamagagandang artista ng kanyang henerasyon. Bukod sa napakaamong mukha ay taglay rin nito ang katawan na kinaiinggitan ng lahat ng babae at pinapantasya naman ng mga lalaki. Kung susuyurin ang kanyang Instagram ay makikita na talagang halos perpekto si Yen, dahilan upang sabihin ng ilang netizen na tila may favoritism daw ang Lumikha dahil mayroon itong mga anak na kagaya ni Yen samantalang ang iba ang mukha lang patatas.
Ngunit kamakailan lang ay nag-upload ang dalaga ng mga litrato na nagpatunay na wala naman palang paboritong anak ang Maykapal dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang kapintasan, sa parehong paraan na lahat tayo ay may kanya-kanyang kalakasan.
Nagsimula ang lahat nang mag-upload si Yen Santos sa Twitter ng ilang litratong nakataas ang kanyang braso, dahilan para makita ng lahat nang buong-buo ang kanyang kilikili. Bago pa man niya i-upload ito ay marami nang nagsasabing mistulang maitim at hindi kagandahan ang kilikili ng dalaga. Ngunit dahil lagi lang itong nakikita nang madilim o di kaya'y may anino, parating dumedepensa ang mga fans ni Yen na baka naman daw sa ilaw lang o sa anggulo.
Ngunit kung titignan ang mga litratong ito ay hindi na maitatago ang katotohanan: hindi kasing ganda ng sa ibang artista ang kilikili ni Yen Santos. Sa katunyan ay marami itong linya at hindi nga talaga ganoon kaputi.
Para naman sa mga loyal fans ng dalaga ay okay lang ito, at hindi naman nakabawas sa kanyang kagandahan. Ngunit hindi mapipigilan ang mga tayong mapangutya at mapangmata ng kapwa. Sana lang ay perpekto at walang bahid ng anumang hindi kagandahan ang kilikili ng mga nanglalait kay Yen Santos, o di naman kaya'y sana man lang mas maganda ito na naturang artista.
Kayo, sa tingin ba ninyo ay kabawasan sa kagandahan ng isang babae ang pagkakaroon ng kilikili na hindi perpekto? Ipaalam ang inyong saloobin sa pamamagitan ng pag-iiwan ng comment dito:
Source: Instagram