Totoong ang tagumpay ng anak ay tagumpay din ng mga magulang, kung kaya naman abot langit palagi ang ngiti ng ating mga ama tuwing may mga bagong bagay tayong nakakamit.
Kagaya na lamang ng istorya ng mga nagtatapos ngayong buwan, lalung lalo na ang mga cum laude!
Katulad na lamang ng istorya ni Sandra Estefani Ramos, isang magna cum laude na inialay ang kaniyang tagumpay sa ama na nagtaguyod sa kaniyang pag aaral ng napakaraming taon sa pamamagitan ng pag papadyak o pag pepedicab.
Ayon sa kaniyang post, “After so many years of hard work and sacrifices, Papa, Mama, heto na!
“’Pa, ihatod mo na po ang Magna Cum Laude mong aki gamit ang satong padyak!
“I am proud that my father is a pedicab driver.
“And indeed, he is the true magna cum laude.
“All glory be to God.”
Balak pa sanang itago ni Sandra ang magandang balita sa kaniyang mga magulang ngunit aksidenteng nalaman din nila ito noong minsang naglipana ang mga papel sa kanyang folder matapos matamaan ng malakas ng hangin ng electricfan.
Ayon sa kaniyang ina sa interview ng ABS CBN ay walang mapag sidlan ang tuwa nilang mag asawa noong nalaman nila ang sorpresa ni Sandra.
Ayon naman sa kaniyang ama, “Sabi niya gusto niya maging teacher. Sabi ko, ‘Sige kung kaya mo, sige susuportahan kita.’ Sabi ko tiis-tiisin nila para makapagtapos sila.”
Pagbabalik tanaw naman ni Sandra sa kanilang pag hihirap mag pamilya, “Lagi ko siyang niyayakap pag hinahatid niya ako sa terminal.
“Hindi ko naranasang maging pedicab driver, pero pag tinitingnan ko siya, parang nararamdaman ko yung hirap kaya lalo kong ginagawa ang best ko.”
Samantala, ay very humble din siya tungkol sa kaniyang award. “Kahit ngayon hindi ko pa po alam kung paano ko na-achieve yung ganung honor. Kahit alam ko na may mas matalino kaysa sa akin, I still do my best.
“Kahit hindi ko po alam kung paano, alam ko po kung sino yung mga tao na naging rason bakit ako naging magna cum laude.”