Ayon kay Ogie Diaz, dumarami ang tumulong sa misis ni Andrew Schimmer matapos mapanood ang vlog nito kasama ang aktor sa kanyang interview sa youtube channel nito.
Marami ang naantig sa mga kwento ng aktor kung saan mahahalata mo talaga kung gaano niya kamahal ang misis at pamilya niya. Hindi na niya iniinda ang mga bayarin sa hospital at gamot ng kanyang asawa ang importante raw sa kanya ay mapalabas ang kanyang asawa sa hospital.
Halos walong buwan ng naospital at nakaratay sa kama ang kanyang asawa. Pero nagpapasalamat pa din ang aktor dahil hindi raw ito pinepressure ng ospital sa billings nito, yun iba pa daw na health professionals sa ospital ang nagbigay ng mga gamot para sa kanyang asawa.
“Aasikasuhin namin itong pasyente mo, mag-usap tayo mamaya,”
Aniya pa ng aktor, isa daw sila sa pinakamatagal na pasyente sa St.Lukes Medical Center.
Mababakas sa mukha ng aktor na tila nahihirapan na din ito pero kinakaya niya padin dahil mahal na mahal niya ang kanyang asawa dahil magbestfriend raw sila dati.
May iba raw na sinabihan na ang kanyang mga anak na wala na raw pag-asa ang mommy nila, mahihirapan nadaw sila pero giniit ng aktor na kakayanin niya sa abot ng kanyang makakaya. Hopeful pa din siya na gumaling ang asawa niya.
Kaya naman ay marami ang naantig sa kwento ng aktor at dumagsa ang tumulong nito
Sinabi ni Ogie Diaz na, “Sa amin nagti-text ‘yung iba, nagpi-PM at nagdi-DM na ‘pano po namin maibibigay ‘yung Gcash kasi nag-exceed na for the month of August.”
Kaya kinailangan ni Andrew Schimmer ng panibagong Gcash Account para dun na maisend ang mga karagdagang donasyon para sa kanyang pamilya at misis nito.
Ano ang masasabi niyo dito? Hali na at magbigay ng opinyon sa comment section!